top of page
Search

ni Jasmin Joy Evangelista | October 12, 2021



Sinampahan ng reklamong panghahalay ng isang 26-anyos na babae ang isang pulis sa Pampanga matapos umano siyang halayin nang maharang sa checkpoint.


Sinita umano ng suspek ang biktima dahil sa nagmamaneho ng motorsiko nang walang dalang lisensiya.


Ayon sa kuwento ng biktima, naganap ang insidente dakong 3:00 am noong Oktubre 8 matapos siyang sitahin ng suspek na si Police Staff Sergeant Robin Mangaga.


Hiningan daw ng pulis ng lisensiya si Olivia pero walang naipakita ang biktima.


Aminado naman daw ang biktima sa kanyang pagkakamali.


Aniya, hindi siya tiniketan ni Mangaga pero i-impound nito ang kaniyang motorsiklo kaya’t sa kagustuhan na makuha ang kanyang sinasakyan at makapasok na ng trabaho, nag-alok daw siya ng P500 sa pulis pero sinabihan siya na panunuhol ang kanyang ginagawa.


Patuloy daw na nakiusap si Olivia at sinabi niyang handa siiyang lumuhod para magmakaawa sa pulis.


Noon na raw nagsimulang mambastos ang suspek nang pumasok ito sa sasakyan at sinabihan siyang sumakay kung nais pa rin niyang makiusap.


Sumakay si Olivia sa sasakyan ng pulis at dinala umano siya sa motel at doon na nangyari ang panghahalay.

Matapos ang insidente, ibinalik na raw ng pulis ang kaniyang motorsiklo.


Nagsampa na ng reklamong rape si Olivia sa korte laban kay Manganga at bukod dito ay nagsampa rin siya ng reklamong administratibo laban sa pulis sa Internal Affairs Office sa Camp Crame sa Quezon City.


Ayon kay Police Colonel Marcial Paclibon, chief ng Intelligence and Investigation Division-IAS, kung mapapatunayan ay may grave abuse of authority na nagawa si Mangaga at mayroong elemento ng pagbabanta at panggigipit sa biktima.


Posible rin daw na magamit laban kay Mangaga kung totoo na nagpadala pa ito ng text messages sa biktima nang malaman ang ginawang pagsasampa ng reklamo.


Napag-alaman naman na sumuko na ang inirereklamong pulis pero tumanggi siyang magbigay ng pahayag.

 
 

ni Lolet Abania | October 4, 2021



Pumanaw na si Leticia Lolita Olalia Hizon, ang founder ng Pampanga’s Best at imbentor ng original tocino (sweetened meat) noong 1960s.


Isang statement ang nai-post sa Facebook ng kanyang anak na si Jomar Hizon, kung saan pumanaw na si “Apung Lolet” noong Oktubre 2 sa edad na 84 dahil sa renal failure.


“As the founder of Pampanga’s Best, the inventor of the original Tocino, and as a philanthropist in her community, her contribution to the Philippine economy is immeasurable,” pahayag ng kanyang pamilya.


“Likewise, her influence on Filipino cuisine cannot be overstated,” dagdag pa nila.


Ayon sa pamilya, naulila ni Apung Lolet ang kanyang asawa, Angelo Hizon, ang kanilang 12 anak, 61 grandchildren, at 31 great grandchildren.


“Our loss is heaven’s gain. Although we will miss her terribly, her legacy lives on. Apung Lolet always said that the success of Pampanga’s Best has been because of Divine Providence,” sabi pa ng pamilya.


“We continue to trust in God’s sovereign plan, and express our utmost gratitude for lending us his amazing gift: Our Apung Lolet.”

 
 

ni Jasmin Joy Evangelista | September 27, 2021



Muling mapapanood ang Giant Lantern Festival sa San Fernando City, Pampanga ngayong taon pero ito ay idaraos virtually o sa pamamagitan ng drive in dahil laganap pa rin ang COVID-19.


Tulad noong nakaraang taon, bawal ang live audience sa festival dahil exhibition na lang ng mga lantern ang mangyayari.


Kasali rito ang 7 parol na may taas na 20 talampakan, na galing sa 7 barangay sa San Fernando.


"Digital edition pa rin ang isasagawa, meaning mapapanood ito sa livestream," ani San Fernando tourism officer Ching Pangilinan.


"Bagama't ganu’n 'yung kinakaharap natin (pandemya) ngayon, ayaw naman natin na mawala 'yong tradition natin na sa paggawa ng mga higanteng parol," dagdag niya.


Ang tema ng mga parol ay nakasentro sa COVID-19 pandemic.


Makatatanggap ang bawat barangay ng P142,000 subsidy mula sa lokal na pamahalaan.


Sa Disyembre 16, 2021 nakatakda ang opening ng festival sa Robinsons Starmills sa lungsod kung saan bukod sa live-streaming, may option ding makita ang mga higanteng parol nang aktuwal sa pamamagitan ng drive-in viewing ng mall.


"There's gonna be a pre-booking to be able to witness the giant lantern this year and we're gonna have a drive-in concept," sabi ni Jodee Arroyo, manager ng Robinsons Starmills kung saan idaraos ang festival.


"We could only accommodate a maximum of 150 to 200 cars every show. And every night, we're gonna have 2 shows po," dagdag ni Arroyo.


Sa mga nais manood, maaaring magparehistro para sa drive-in viewing online o sa on-site registration sa mall.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page