top of page
Search

ni Mylene Alfonso @News | September 29, 2023




Nasamsam ng pinagsanib na tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI), Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), Bureau of Customs (BoC) at National Intelligence Coordinating Agency (NICA), ang may 560 kilo ng shabu na may halagang

P3.8 bilyon, na itinago sa plastic ng chicharon at dried fish kamakalawa ng gabi sa isang bodega sa San Jose Malino, Mexico City, Pampanga.


Ayon kay Justice Secretary Jesus Crispin Remulla, sa isang press briefing, ito na ang pinakamalaking huli ng ilegal na droga ngayong taon sa bansa.


Sinabi ni Remulla na ang shabu ay nagmula sa Thailand sakay ng Sitc Shekou at dumaong sa Subic Port in Subic Bay Freeport Zone noong Setyembre 18, 2023.


Nagawa umano ng crack team ng NBI na mapasok ang sindikato at nahubaran ng maskara ang mga sangkot sa pagpasok ng droga sa bansa.


Kinumpirma ni Remulla na may mga sangkot na dayuhan at may iniimbestigahan na rin na taga-BOC.


Inamin ni Remulla na napakasopistikado na ng operasyon ng sindikato dahil maski ang mga K-9 dogs ay nahirapan at dapat na muling sanayin sa pag-amoy ng ilegal na droga.


Gayunman, tumanggi si Remulla na magbigay ng pangalan sa mga taong sangkot sa sindikato.


Dahil sa naturang malaking huli, nakatakdang magkaroon ng masusing pakikipag-ugnayan ang NBI sa National Prosecution Service para sa pagsasampa ng kaso.


Magkakaroon din ng imbestigasyon sa kaso ang Anti-Money Laundering Council.

Layunin nito na kilalanin ang korporasyon na ginamit para sa pagpupuslit ng droga sa bansa.



 
 

ni Zel Fernandez | May 7, 2022



Nasabat ang may tinatayang P1.9 milyong halaga ng "kush" o high-grade marijuana mula sa isang Nigerian national, kasunod ng isinagawang controlled delivery operation ng anti-drug authorities sa Angeles City, Pampanga noong Huwebes nang hapon.


Batay sa report ng Philippine Drug Enforcement Agency-Central Luzon (PDEA-3), kahapon ng Biyernes ay tinukoy ang suspek na si Madu Ogechi Uzoma, residente ng Concubierta Street, Sunset Valley Mansions, Brgy. Cutcut sa Angeles, Pampanga.


Ang package na naglalaman ng iligal na droga ay sinasabing nagmula sa Greenwich, Connecticut, USA, at dumating sa Bureau of Customs-Port of Clark, nitong nakaraang Abril 29.


“The shipment was subjected to the K9 sweeping and physical examination which gave a positive indication of illicit drugs,” ayon sa PDEA.


Nakumpiska mula kay Madu ang tinatayang 1,500 gramo ng kush na mayroong street value na P1.95-M at isang driver's license.


Naging matagumpay ang operasyon sa pagkilos ng PDEA-Central Luzon, katuwang ang Bureau of Customs-Port of Clark at ang lokal na kapulisan.


Sasampahan naman ng kasong paglabag sa Section 4 (importation of dangerous drugs) ng Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang Nigerian national.


 
 
  • BULGAR
  • Apr 30, 2022

ni Lolet Abania | April 30, 2022



Patay ang isang incumbent barangay chairman matapos na pagbabarilin ng mga hindi nakilalang suspek sa San Fernando City, Pampanga, ngayong Sabado nang umaga.


Tinukoy ng mga awtoridad ang biktimang nasawi na si Alvin Mendoza, barangay chairman ng Barangay Alasas.


Batay sa kuha sa CCTV, kitang pinagbabaril ang biktima habang sakay ng kanyang SUV, bandang alas-7:00 ng umaga ngayong Sabado.


Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa pagkakakilanlan ng mga salarin at motibo nito sa krimen.


Tatakbo na sanang konsehal si Mendoza sa San Fernando ngayong May 9 elections.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page