top of page
Search

ni Angela Fernando @World News | Nov. 2, 2024



Photo: AFP / Eyad Baba


Muling binomba ng Israel ang Gaza at Lebanon kamakailan kasabay ng pag-ugong ng mga usaping pansamantalang tigil-putukan sa bansa para sa nalalapit na eleksyon ng pagkapangulo sa United States (US).


Ayon sa mga medic sa Palestinian enclave, hindi bababa sa 68-katao ang nasawi sa Gaza Strip dahil sa mga airstrike ng Israel, at binomba rin nito ang southern suburbs ng Beirut.


Nagpahayag ang militar ng Israel na napatay nila ang mataas na opisyal ng Hamas na si Izz al-Din Kassab sa isang airstrike sa bayan ng Khan Younis sa southern Gaza.


Magugunitang sinisikap ng mga kinatawan ng U.S. na makamit ang tigil-putukan sa magkabilang panig bago ang nasabing eleksyon.


Gayunman, hindi pabor ang Hamas sa pansamantalang tigil-putukan dahil ang mga panukalang ito ay hindi tumutugon sa kanilang mga kondisyon, kabilang ang pagwawakas ng isang taon nang digmaan sa Gaza at ang pag-atras ng mga puwersang Israel mula sa nasirang teritoryo ng Palestine.

 
 

ni Angela Fernando - Trainee @News | February 28, 2024




Umaabot sa 576-K katao sa Gaza ang maaaring makaranas ng matinding gutom dahil sa kawalan ng pagkain, ayon sa United Nations.


Agad na kinondena ng UN ang ginagawang pagharang ng Israel sa mga tulong para sa mga Palestinians sa Gaza.


Ito ay matapos nagpaputok ng Israeli forces sa lugar na pinagkukunan ng pagkain ng mga mamamayan ng Gaza.


Tinutukoy pa kung may mga nasawi o nasugatan sa nasabing pagpapaputok.


Nagpahayag naman si UN humanitarian agency deputy chief Ramesh Rajasingham, na isa sa anim na kabataang may edad dalawa pababa ang may acute malnutrition.


Saad niya, umaasa na lang sa kaunting pagkain ang halos 2.3-milyong Palestinians.

 
 

Filni Angela Fernando - Trainee @News | November 5, 2023




Nagtipon ang libu-libong tao sa kabi-kabilang protesta sa Berlin, London, at Paris para hilingin ang tigil-putukan at karahasang nangyayari sa Israel-Hamas nitong nagdaang Sabado, Nobyembre 4.


Batay sa estimasyon ng mga pulis umabot sa 17,000 ang nagprotesta sa Duesseldorf at 9,000 sa kabisera na Berlin, 30, 000 naman sa Trafalgar Square, London at 19,000 katao naman sa Paris na umabot ng 60, 000 matapos makiisa ng ilang grupo ng mga komunista, dagdag ng CGT.


Naganap ang ilang pag-aresto ngunit hindi nagpatinag ang mga tao sa kanilang panawagan na palayain na ang Palestine mula sa mga pag-atake.


Umaabot sa 9, 500 na ang namatay sa tuloy-tuloy na pambobomba, karamihan sa mga nasawi ay kababaihan, kabataan, at mga inosenteng sibilyan na naipit sa alitan sa pagitan ng Hamas at Israel.


May ilang protesta rin ang naganap sa US na may parehas na panawagan na matapos na ang karahasan.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page