ni Maestro Honorio Ong @Kapalaran Ayon sa Palad | April 25, 2023
KATANUNGAN
Naguguluhan ang isip ko dahil third year college na sana ako, pero umalis ako sa paaralan na pinapasukan ko dahil sa taas ng standard at ang tatalino ng mga classmate ko. Ang course ko ngayon ay Architecture, ngunit parang gusto ko na namang mag-shift ng Education o Nursing. Ang problema, kinokontra ito ng kapatid at mama ko, at ang sabi pa ng mama ko, “Kung ganyan ka nang ganyan, baka hindi ka makapagtapos ng pag-aaral!”
Ano ang masasabi niyo at ano ba talaga ang dapat na maging course ko upang hindi na ako magpalipat-lipat ng school at magpabago-bago ng course? Sa darating na pasukan, gusto ko na talagang ayusin ang buhay ko at ‘yung gusto ko na ang kukunin kong kurso na siguradong magbibigay sa akin ng matagumpay at maligayang career sa future.
KASAGUTAN
Medyo lumalabo, flabby at nagpa-fluctuate ang unahang bahagi ng Fate Line na tinatawag ding Career Line (Drawing A. at B. F-F arrow a.) sa kaliwa at kanan mong palad. Tanda na sadyang nagugulumihanan ka sa early part ng iyong career, kung saan mawawalan ka ng direksyon.
Gayunman, buti na lang, kahit na pagewang-gewang ang andar ng nasabing career, kumbaga sa karera ng mga sasakyan, maluwalhati ka pa ring nakarating sa finish line, na siyang inilalarawan ng nakasampa pa ring Fate Line (Drawing A. at B. F-F) sa Mount of Saturn na tinatawag din nating Bundok ng Katuparan (arrow b.).
Ibig sabihin, kahit palipat-palit ka ng kurso at paiba-iba ng school, makakatapos ka pa rin ng pag-aaral, dahil kahit papaano, determinado ka namang makaka-gradweyt, na siyang ikatutuwa ng magulang, kapatid at mga kaibigan mo.
Tulad ng nasabi na, maluwalhati kang makakapagtapos ng kolehiyo at kapag nangyari ito, madali ka na rin namang makakakuha ng regular at magandang trabaho na angkop sa panlasa mo.
MGA DAPAT GAWIN
“Endurance is essential for completing the marathon of life,” ang sabi ng hindi nagpakilalang author. Ibig sabihin, anuman ang inaatupag natin sa buhay at saanman tayo papunta, ang higit na mahalaga ay nagpapatuloy tayo sa pagtakbo at hindi tayo tumitigil anumang maging layunin natin sa buhay.
Habang, ayon sa iyong datos, Daisy, nakatakda ang magaganap kahit sabihin pang magulo ang isip mo at pabago-bago ka ng kurso at school. Ang mahalaga, hindi ka sumuko at patuloy kang lumaban at hindi tumigil sa pag-aaral, tunay ngang kahit ano pang kurso ang ma-feel mong bagay sa iyo at kahit na ano pang kurso ang lipatan o pasukan mo at kahit saang university ka pa mag-aral, sigurado na ang magaganap – tatlo hanggang apat na taon mula ngayon, sa taong 2027 at sa edad mong 25 pataas, walang makakahadlang, maluwalhati ka pa ring makakapagtapos ng pag-aaral, magiging isang ganap na propesyonal, magkakaroon ng regular na trabaho at magiging tunay na successful sa anumang kurso o career na pinasukan mo (E-E arrow c.).