ni Maestro Honorio Ong @Kapalaran ayon sa Palad | September 29, 2023
KATANUNGAN
Nabaon kami sa utang simula nang magnegosyo kami ng pautangan. ‘Yung agent namin na nagrerekomenda ng mga umuutang at siya ring naniningil ay hindi na nakabayad, kaya kami ang sinisingil ng financer namin at kapag hindi raw kami nagbayad ay idedemanda niya na kami.
Noong una malakas at nakakabayad sila pero nang tumagal, bihira na lang ang mga nagbabayad. Litung-lito na ako at hindi ko na alam ang gagawin ko, kaya gusto kong malaman kung may pag-asa pa kaya akong makaahon sa pagkakautang ko. Madalas na rin kami mag-away ng mister ko, at paulit-ulit niyang tinatanong kung bakit umaano ako pumasok sa ganitong problema.
Makaka-recover pa kaya kami at kung susubukan kong mag-apply sa abroad para matakasan ko ang mga problema kong ito, may Travel Line kaya ako?
KASAGUTAN
Walang malinaw na Travel Line (Drawing A. at B. t-t arrow a.) sa kaliwa at kanan mong palad, kaya sa panahong ito, wala pang pangingibang-bansa ang itatala sa iyong kapalaran.
Samantala, sadyang nahulog sa pagitan ng daliring hintuturo at hinlalato ang matayog at maganda sanang Fate Line (Drawing A. at B. F-F arrow b.) sa kaliwa at kanan mong palad. Ibig sabihin, maganda sana ang iyong mga hinawakang negosyo. Pero, dahil sa pagiging gastadora at walang habas mong paglalabas ng salapi, bumagsak at nagkandalugi-lugi tuloy ang iyong negosyo.
Buti na lang at may isa pang sumusulpot na Business Line (Drawing A. at B. B-B arrow c.) sa kaliwa at kanan mong palad, na nagsasabing pagkatapos ng mga pagkalugi at pagkabigo sa nakaraang mga negosyong iyong hinawakan, malaki pa ang pag-asa mong maka-recover at makapagsimula ng panibagong pangangalakal tulad ng iyong binabalak.
Tunay ngang sa mga produktong basic needs tulad ng bigas, kape, asukal, sabon, mantika, at iba pang, pang-araw-araw na ginagamit ng mga tao na hindi pupuwedeng mawala sa listahan ng mga bibilhin kapag mamalengke, dahil ang mga bagay na ito ay pangkaraniwan ng pangangailangan ng isang pamilya, ru’n ka na uunlad, aasenso hanggang sa tuluyang maka-recover ang iyong kabuhayan. At tulad ng nasabi na, sa nasabing negosyo, walang duda, ru’n ka na muling yayaman.
MGA DAPAT GAWIN
Habang ayon sa iyong mga datos, Cecil, sa susunod na taong 2024, sa tulong ng iyong asawa (Drawing A. at B. K-K arrow d.), unti-unti na rin kayong makakabayad sa inyong mga pagkakautang at sa pagsapit ng taong 2025, makakapagsimula ka na ng isang bagong buhay at negosyo na may kaugnayan sa grocery at sari-sari store.
Sa pagkakataong ito, kapag natuto ka nang magtipid at hindi na naging magastos pa, tiyak ang magaganap, muli n’yo nang mapapaikot ang inyong puhunan, at du’n na rin magsisimula ang iyong pag-asenso hanggang sa umunlad na muli ang inyong kabuhayan, na kinumpirma at pinatunayan ng Straight Head Line (Drawing A. at B. H-H arrow e.) sa kaliwa at kanan mong palad na nagsasabing sa taong 2032 sa edad mong 55 pataas, magsisimula nang umasenso ng husto ang inyong kabuhayan hanggang sa tuluyan na kayong yumaman.