top of page
Search

ni Maestro Honorio Ong @Kapalaran Ayon sa Palad | March 20, 2023




KATANUNGAN


  1. Wala akong boyfriend ngayon, pero may kasamahan ako sa trabaho at napapansin ko na nagpapa-cute siya sa akin kahit may girlfriend na siya. Madalas ay sabay kaming mag-lunch at palagi pa niya akong dinadalhan ng ulam at sabay din kami sa pag-uwi. Gayundin, ‘pag may problema ako sa work, siya ang laging tumutulong sa akin. Isang tawag ko lang, nand’yan na siya para tulungan ako.

  2. Ang ipinagtataka ko, bakit ganu’n siya sa akin at kung bakit niya ito ginagawa, samantalang may girlfriend na siya? Minsan ay naikuwento niya na nagbabalak na silang magpakasal ng girlfriend niya at nabiro ko pa siya na, “Wow, ang swerte naman ng girlfriend mo sa‘yo,” dahil bukod sa mabait siya ay masipag din siya at may savings na rin siya.

  3. Kaya ngayon, parang naguguluhan ako sa aming sitwasyon. Nararamdaman ko kasi na unti-unti nang nahuhulog ang loob ko sa kanya, pero pilit ko itong itinatago at hindi ko pinapahalata sa kanya. Maestro, may girlfriend na siya at ayaw ko namang makasira ng isang relasyon, ano ang gagawin ko?

KASAGUTAN


  1. Ang pinakamaganda mong magagawa ay pabayaan mo lang na magpatuloy ang pagiging mabuti niyang kaibigan sa iyo. Tiisin mo naman ang iyong damdamin o supilin ang iyong emosyon na huwag siyang mahalin dahil sa bandang huli, maaaring baka assuming ka lang at bigla ka lang masaktan.

  2. Ito naman ang nais sabihin ng Heart Line (Drawing A. at B. h-h arrow a.) na nagkabilog nang maliit sa unang bahagi (arrow a.) sa kaliwa at kanan mong palad. Tanda na ang inaakala mong pagkagusto sa iyo ng nasabing lalaki, sa bandang huli ay mauuwi rin sa wala.

  3. Nangyari dahil kahit magkaroon kayo ng relasyon at namili na siya sa inyo ng kanyang girlfriend, sigurado na hindi ikaw ang kanyang pipiliin kundi ang kanyang karelasyon. Sa ganitong paraan, matutupad ang nabanggit na maliit na bilog sa kaliwa at kanan mong Heart Line (arrow a.). Ito ay tanda ng manipis na kabiguan sa pag-ibig. Ngunit pagkatapos ng nasabing pagkabigo, sa susunod na pakikipagrelasyon, dahil naayos at gumanda na rin ang Heart Line (Drawing A, at B. h-h arrow b.) sa gitna hanggang sa dulong bahagi (arrow c.), may pangakong masaya at panghabambuhay na pag-ibig.

MGA DAPAT GAWIN


  1. Habang, ayon sa iyo ang mga datos, Mayette, tulad ng naipaliwanag na, ang lalaking inisip at inakala mong napakabuti at napakabait sa iyo ay siya ring magpapaluha at magbibigay ng kabiguan sa iyo sa dakong huli.

  2. Ang sitwasyong ito ay hindi na maiiwasang mangyari sa taon ding ito ng 2023, upang matapos ito at sa buwan ng Oktubre, isang lalaking may zodiac sign na Taurus ang iyong makakarelasyon. Ang lalaking ito ang tunay na magmamahal sa iyo, na inilalarawan ng kaisa-isang malinaw at makapal na Marriage Line (Drawing A. at B. 1-M arrow d.) sa kaliwa at kanan mong palad.

  3. Tulad ng nasabi na, si Mr. Taurus na paparating pa lamang ang iyong mapapangasawa at makakasama sa pagbuo ng maligaya at panghabambuhay na pamilya, na nakatakdang mangyari sa susunod na taong 2024 at sa edad mong 27 pataas.

 
 

ni Maestro Honorio Ong @Kapalaran Ayon sa Palad | February 9, 2023





KATANUNGAN


  1. Naisipan kong sumangguni sa inyo dahil ngayon ay may crush ako na kaklase ko rin at tawagin na lang nati siyang Edward na may birthday na February 7, 2003, habang October 1, 2003 naman ang birthday ko.

  2. Gusto kong malaman kung totoo bang crush din ako ng lalaking ito dahil sabi sa akin ng kaibigan kong si Menchie, crush din ako ni Edward. Gayundin, may possibility ba na siya na ang magiging first boyfriend ko? Sa edad kong 19, hindi pa ako nagkaka-boyfriend kahit minsan.

  3. Sa totoo lang, palagi ko siyang nami-miss at naaalala. Darating din ba ang panahon na kakausapin niya ako nang personal at magiging kami? Madalas ko siyang nahuhuli na nakatingin sa akin.


KASAGUTAN


  1. Tama ang iyong sapantaha, Cherry, kung saan, malaki ang posibilidad na ang unang magiging boyfriend mo ay ang crush mo na si Edward, kung saan ito ang nais sabihin ng maliit na hibla ng guhit na umangat paitaas, na nagmula sa Heart Line (Drawing A. at B. h-h arrow a.) sa kaliwa at kanan mong palad.

  2. Ang nasabing mga guhit na paitaas mula sa Heart Line (arrow a.) ay nangangahulugan na na kumbaga sa laro ng pag-ibig, walang lalaki na gugustuhin mo o magiging crush mo na hindi magkakagusto rin sa iyo.

  3. Ang pag-aanalisang likas na malakas ang inyong magnetismo at may kakaiba kang atraksyon sa kalalakihan ay madali namang kinumpirma ng birth date mong 1 sa zodiac sign na Libra. Dahil Sun ang ruling planet ng numerong 1, ang mga taong ipinanganak sa nasabing mga petsa ay sadyang kaibig-ibig at maraming nagkakagusto sa kanila, at nagkataon na ang zodiac sign na Libra ay taglay naman ang planeta ng pag-ibig at romansa na si Venus. Dagdag pa rito, inaasahan ding madali kang magkagusto sa mga lalaki at madali naman silang magkakagusto sa iyo.

  4. Ang pag-aanalisang may malakas at pambihira kang karisma, na walang sinumang lalaking makatatanggi sa sandaling nalaman nilang crush mo rin sila ay lalo pang pinagtibay at pinatunayan ng lagda mong may hugis puso at may mga burloloy sa dulong bahagi. Ibig sabihin, bukod sa maganda talaga ang iyong pisikal na anyo, likas ka ring may kakaiba at malakas na sex appeal, hindi lang sa mga lalaki kundi pati sa kapwa mo babae.

MGA DAPAT GAWIN


  1. Habang, ayon sa iyong mga datos, Cherry, tiyak na sa buwang ito ng Pebrero at pinakamatagal na sa susunod na buwan ng Marso, magiging boyfriend mo na si Edward.

  2. Sa wakas ay tuluyan nang matutupad ang malaon mo nang pinapangarap at hinihiling sa langit dahil at ngayong Pebrero, habang nananatiling malamig at makulimlim ang panahon, mabubuo ang matimyas at nakakakilig na pag-iibigan, na hahantong sa wagas at panghabambuhay na pagmamahalan (Drawing A. at B. h-h arrow b. at 1-M arrow c.).

 
 

ni Maestro Honorio Ong - @Kapalaran ayon sa Palad | March 9, 2022


KATANUNGAN

  1. May boyfriend ako, pero hindi ko alam kung siya na ang makakatuluyan ko kahit ngayon ay hindi na rin namin maiwasang magtalik at ito ay dumadalas na. Minsan tuloy, natatakot akong mabuntis.

  2. Naisipan kong sumangguni sa inyo upang matiyak na kapag nabuntis ako ng boyfriend kong ito, hindi ba niya ako tatakasan at kami na ang itinakda ng kapalaran para magsama habambuhay?

KASAGUTAN

  1. Biyak at magulo ang Heart Line (Drawing A. at B. h-h arrow a.) sa kaliwa at kanan mong palad kaya dapat ay hindi ka na makipagtalik sa boyfriend mo simula sa araw na ito. Ibig sabihin kasi ng nabiyak at magulong Heart Line (arrow a.), siguradong hindi mo makakatuluyan ang unang lalaki na inibig at pinagkalooban mo ng iyong katawan. Minsan pa nga, kapag malala ang sitwsayon, na kinumpirma ng medyo magulo ring Marriage Line (Drawing A. at B. 1-M arrow b.) sa kaliwa at kanan mong palad, nakikipag-live-in ang nasabing indibidwal sa pag-aakalang sila na ang magkakatuluyan, pero sa bandang huli, ang nasabing relasyon ay nauuwi rin sa paghihiwalay, higit lalo kung may ikalawa pang Marriage Line (Drawing A. at B. 2-M arrow c.) na nakaumang sa lalagyan ng nasabing guhit sa kaliwa at kanan mong palad.

  2. Ibig sabihin, matapos ibigay ng nasabing babae ang kanyang katawan at kapalaran, hindi naman pala siya minahal ng pinakisamahan niyang lalaki, na akala niya ay kanyang makakatuluyan. Bagkus, lilipas ang lima hanggang pitong taon, kapag ganap na siyang nakapag-move on o nakarekober, saka pa lang darating ang maturity sa kanyang emosyon at isipan. Kasabay ng pagma-mature ng pisikal niyang katawan at edad, isang karapat-dapat at matured ding lalaki ang nakatakda niyang makatuluyan at makakasama habambuhay.

MGA DAPAT GAWIN

  1. Habang, ayon sa iyong mga datos, Lilian, ngayon pa lang, dapat ka nang gumising sa katotohanan ng buhay na ang pagtatalik n’yong magkasintahan ay siguradong hahantong lang sa iyong pagbubuntis. At ‘pag nangyari ‘yun, tulad ng sinasabi ng iyong palad — magkakaroon ka ng anak sa pagkadalaga, pero hindi mo rin makakatuluyan ang ama ng sanggol na iyong isisilang.

  2. Ngunit ang ikinaganda nito, matapos kang magkaanak sa pagkadalaga, pagtuntong mo ng edad 28 pataas, muli kang magkakaroon ng karelasyon, na hatid ng lalaking isinilang sa zodiac sign na Aquarius. Ito naman ay mauuwi na sa maligaya at panghabambuhay na pagpapamilya (Drawing A. at B. 2-M arrow c.).

 
 
RECOMMENDED
bottom of page