ni Angela Fernando - Trainee @News | December 29, 2023
Hindi nga naitago ng vlogger na si Small Laude ang pagkadismaya matapos na maiwan ang anak na si Allison Laude sa airport dahil sa sinasabing kapalpakan ng Philippine Airlines (PAL) at naging pasya ng mga ito sa Canadian temporary passport ng kanyang anak.
Tinawagan daw ng PAL ang Japanese Embassy upang kumpirmahin ang requirements ng kanyang anak para sana sa kanilang bakasyon ngunit hindi raw positibo ang naging resulta dahil 'di raw puwede ang mga dokumento nito.
Ngunit sa napag-alaman nila, pinayagan namang makalipad ang anak ng kanyang kaibigan na may hawak namang US temporary passport kaya ganu'n na lang ang dalang stress sa kanila ng mga nangyari.
Saad n’ya, "My daughter got left behind because of PAL's wrong decision! It ruined our family vacation and it caused us so much stressed. Allison was in tears leaving the airport going back to the house."
Dagdag pa n’ya, "Allison was in tears leaving the airport going back to the house. The check-in manager said they called the Japanese Embassy that my daughter's Canadian temporary passport will not be allowed entry into Japan, but learned she did not call at all. We found out later it's allowed!!! PAL should be responsible with their decisions."
Wala pa namang linaw kung may aksiyon o tugon na ang PAL sa kasalukuyan.