ni Lolet Abania | June 7, 2021
Nasa 30 indibidwal ang namatay habang marami ang sugatan matapos na madiskaril at mag-crash ang isang tren sa southern Pakistan, ayon sa pulisya ngayong Lunes.
Saad ng spokesperson ng Pakistan Railways, patungo ang tren sa Sargodha mula Karachi nang madiskaril at mawala sa track nito, habang may mga sakay na pasahero mula sa Rawalpindi at mapunta sa kabilang direksiyon.
“Several people have been killed and many others trapped inside,” ani isang opisyal.
Kinumpirma ni Umar Tufail, isang senior police officer sa Daharki, ang pagkamatay ng 30 indibidwal at marami ang nasugatan sa insidente.
Makikita sa mga footages sa mobile phone at telebisyon mula sa site ang wasak na wasak na tren habang maraming berdeng Pakistan railway carriages ang bumalagbag sa kabilang linya.
Sa ulat, karaniwan na ang nangyayaring rail accidents sa Pakistan dahil sa minana lamang ang libong kilometro (miles) na track o mga riles at tren mula sa dating makapangyarihang bansa na Britain.
Sa kabila nito, hindi napagtutuunan ng pansin ng mga awtoridad ang kanilang transportasyon dahil umano sa korupsiyon, mismanagement at kakulangan ng pondo.
Matatandaan noong October 2019, nasa 75 katao ang namatay nang isang tren ang masunog habang bumibiyahe mula Karachi patungong Rawalpindi.
Gayundin, noong 2016, dalawang tren na may sakay na daan-daang pasahero ang nagbanggaan sa Karachi na ikinamatay ng 21 katao.