top of page
Search

ni Eli San Miguel - Trainee @News | December 15, 2023




Inaasahan ang "partly cloudy to cloudy conditions" na may "isolated light rain" sa mga Rehiyon ng Ilocos, Cordillera Administrative, Cagayan Valley, at Central Luzon, dahil sa Amihan o Northeast Monsoon, ayon sa PAGASA ngayong Biyernes.


Sa ibang bahagi ng bansa, inaasahan naman na magiging "partly cloudy to cloudy" na may "isolated rain showers or thunderstorms" dahil sa Easterlies at localized thunderstorms.


Maaaring magdulot ng posibleng flash floods at landslides ang mga pag-ulan at pagkulog.


Maaaring pumasok ang isang low-pressure area sa Philippine Area of Responsibility sa Sabado, ayon sa PAGASA.


 
 

ni Eli San Miguel - Trainee @News | December 14, 2023




Nagdudulot ng epekto sa ilang bahagi ng Luzon ang Northeast Monsoon o Amihan, habang nagdudulot naman ng epekto ang Easterlies sa iba't ibang bahagi ng bansa.


Ayon sa ulat ng PAGASA ngayong Huwebes, inaasahan na may "partly cloudy to cloudy skies with isolated light rains" sa Luzon dahil sa Northeast Monsoon, at "partly cloudy to cloudy skies with isolated rain showers or thunderstorms" sa Visayas at Mindanao dahil sa Easterlies at localized thunderstorms.


Sisikat ang araw nang alas-6:13 ng umaga sa Biyernes.

 
 

ni Eli San Miguel - Trainee @News | December 4, 2023




Maaaring magkaroon ng pag-ulan sa ilang bahagi ng Mindanao ngayong Lunes dahil sa easterlies, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).


Sa isang public weather report, sinabi ni PAGASA specialist Benison Estareja na inaasahan ang pag-ulan sa Dinagat Islands at mga lalawigan ng Surigao dahil sa easterlies.


“Sa ating mga kababayan sa Mindanao, pinaka-uulanin ang Dinagat Islands and Surigao provinces dahil sa easterlies. May mga kalat-kalat na thunderstorms sa umaga pero mababawasan ito pagsapit ng hapon hanggang sa gabi,” aniya.


Pinayuhan ni Estareja ang mga residente sa Caraga tungkol sa posibleng pagguho ng lupa dulot ng pag-ulan at sunud-sunod na lindol noong Linggo.


Sa mga natitirang bahagi ng Mindanao, binanggit ni Estareja na maaaring asahan ng Zamboanga Peninsula at ng rehiyon ng Bangsamoro ang maulap na kalangitan na may mataas na tsansang magkaroon ng thunderstorms sa hapon.


Magiging maulan din sa Eastern Visayas ngayong Lunes dahil sa easterlies.


Samantalang inaasahan na magpapatuloy ang northeast monsoon o amihan, na magdadala ng pag-ulan sa mga lalawigan ng Batanes at Cagayan.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page