ni Pablo Hernandez @Prangkahan | Nov 7, 2024
SANA ALL NG NAG-FILE NG COC NA WALANG ‘K’ MAGING LINGKOD-BAYAN, TULARAN SI ION PEREZ NA NAG-WITHDRAW NG CANDIDACY -- Humanga ang publiko sa desisyon ni Showtime host Ion Perez, dyowa ni Vice Ganda sa pag-withdraw ng kandidatura sa pagka-konsehal ng Concepcion, Tarlac, dahil ayon sa kanya ay hindi pa siya handa na matawag na lingkod-bayan.
Sana all ng mga nagsipag-file ng candidacy na wala namang “K” matawag na lingkod-bayan, ay tularan si Ion Perez na umatras na sa pagtakbo sa May 2025 midterm election, period!
XXX
KUNG KAILAN KAILANGAN NI VP SARA NG KAKAMPI, TAGAPAGTANGGOL SAKA NAMAN INIWAN SIYA SA ERE NG KANYANG SPOKESMAN -- Marahil, ngayon napagtanto ni Vice President Sara Duterte-Carpio na nagkamali siya nang kunin niyang spokesman si Atty. Michael Poa kasi iniwan siya nito sa ere.
Sa panahon kasi na kailangan ni VP Sara ng tagapagtanggol sa mga atake sa kanya ng mga anti-Duterte politician ay saka ito sinabayan ng pagri-resign ni Poa, tsk!
XXX
IMBESTIGASYON NG KAMARA SA MAG-AMANG DUTERTE HALOS 3 BUWAN NA, IMBESTIGASYON SA MGA AGRI-SMUGGLER 3 ARAW LANG -- Sa Marcos administration, napakasuwerte ng mga agri-smuggler at minalas naman ang mag-amang ex-P-Duterte, VP Sara at ilang police officials.
Minalas ang mag-amang Duterte, pati ilang police officials dahil halos tatlong buwan na kasing “dinudurog” sa imbestigasyon ng Quad Committee si ex-P-Duterte sa isyung extrajudicial killings (EJK) at si VP Sara sa isyung confidential fund, at may mga police official pang kinontempt at ipinakulong.
At sinuwerte sa Marcos admin ang mga agri-smuggler na sina sina "Leah Cruz," “Gerry Teves”, "Paul Teves." "David Bangayan,” "Manuel Tan, " "Andrew Chang," "Jun Diamante," "Lujene Ang," "Beverly Peres," "Lucio Lim" at "Michael Ma" kasi tatlong araw lang yata sila inimbestigahan, tapos na, at isa man sa kanila walang ipinakulong ang mga cong., boom!
XXX
WORST TALAGA ANG NAIA DAHIL BAD NA ANG SERBISYO, NAGMAHAL PA NG MGA BAYARIN SA MGA SERVICE FEE AT PARKING FEE -- Muling itinala ng Compare the Market firm na nakabase sa Australia ang Ninoy Aquino International Airport (NAIA) bilang pinaka-worst na paliparan sa buong mundo dahil sa hindi magandang serbisyo nito sa mga mananakay ng eroplano.
Aba’y maitatala talagang worst ang NAIA, kasi bukod sa pangit na serbisyo nito ay nagmahal pa ang mga bayarin dito tulad ng mga service fee at parking fee, boom!