ni Pablo Hernandez @Prangkahan | Nov 13, 2024
MGA ANTI-DUTERTE POLITICIAN ANG UMAATAKE KAY VP SARA, KAYA NIYA NASABING ‘POLITICALLY MOTIVATED’ MGA BANAT SA KANYA -- Nitong nakalipas na Nobyembre 11, 2024, habang tinitirya uli ng mga kongresistang miyembro ng House Committee on Good Government and Public Accountability ang anila ay maling paggasta ni Vice President, and former Dept. of Education (DepEd) Sec. Sara Duterte-Carpio sa mga naging confidential fund niya sa Office of the Vice President (OVP) at DepEd, ay sinabayan ito ng bise presidente ng presscon, at ayon sa kanya ay politically motivated ang House hearing para siraan siya sa publiko.
May punto si VP Sara sa sinabi niyang politically motivated ang mga atake sa kanya kasi nga mga anti-Duterte politician ang nag-iimbestiga sa kanyang naging confidential funds, period!
XXX
DAPAT HINDI LANG SA CONFI FUND NI VP SARA MAGPOKUS ANG MGA CONG., IMBESTIGAHAN DIN NILA ANG INTEL FUNDS NG 3 POLICE GENERAL -- Hilig din lang ng mga kongresista na mag-imbestiga sa confidential fund, dapat imbestigahan din ng Quad Committee kung nagagamit sa tama ang mga intelligence funds nina PNP Chief Gen. Rommel Marbil, PNP-Region 3 Director, Brig. Gen. Redrico Maranan at PNP-Region 4-A Director, Brig. Gen. Kenneth Lucas.
Ginagamit na kasi sa protection racket nina alyas "Parax" at "Parak" sa Central Luzon, nina "Rico" at "Jong" sa Southern Tagalog region ang kanilang mga pangalan, hindi pa nila alam.
Kung nagagamit sa tama ng tatlong police general ang kanilang intel funds, dapat ipinahuli na nila ang mga taong ito na patuloy namang gumagamit sa kanilang mga pangalan sa protection racket, boom!
XXX
BAKA NAMAN PABIDA LANG NI CONG. KHONGHUN NA HANDA SIYANG MAGPATADYAK KAY EX-P-DUTERTE -- Matapos magbanta si ex-P-Duterte na sisipain niya ang mga cong. na magpipilit sa kanyang dumalo sa imbestigasyon ng QuadComm ng Kamara tungkol sa extrajudicial killings (EJK), sinabi ni Zambales Rep. Jay Khonghun ay handa raw siyang magpasipa sa ex-president basta’t dumalo lang ito sa House probe.
Baka naman pabida lang niya iyan, na kapag dumalo si ex-P-Duterte sa EJK hearing ay umabsent siya sa QuadComm probe para makaiwas sa tadyak ng ex-president, abangan!
XXX
MASYADONG HALATAIN NA IBINABANDERA NG RPMD KANDIDATURA NI ABALOS DAHIL IBINIDA PANG TOP PERFORMING CABINET SEC. DAW KAHIT ‘DI NA KALIHIM NG DILG -- Masyado namang halatain na pang-press release lang pabor kay former Dept. of the Interior and Local Gov’t. (DILG) Secretary, senatorial candidate Benhur Abalos ang inilabas na survey ng RPMD Foundation tungkol sa mga top performing Cabinet official ng Marcos admin.
Mantakin n’yo, hindi na DILG sec. si Abalos, pero siya pa ang ibinandera ng RPMD survey firm na top performing Cabinet secretary na may rating na 95.8%, tsk!