ni Pablo Hernandez @Prangkahan | August 4, 2024
SA BANGAYANG PBBM AT EX-P-DUTERTE, RET. GEN. ALBAYALDE PANIG KAY MARCOS -- Sa interview ng ANC kay dating PNP Chief Gen. Oscar Albayalde ay sinabi nitong hindi raw sangkot sa droga si Pres. Bongbong Marcos (PBBM) dahil wala naman daw ito sa drug watchlist ng PNP noong siya pa ang pambansang hepe ng kapulisan sa ating bansa.
Ang statement na iyan ni ret. Gen. Albayalde ay malinaw na pagtatanggol kay PBBM.
Sa tema ng salita ni Albayalde, kung iuugnay sa bangayang PBBM vs. ex-P-Duterte ay mas panig siya kay Marcos kaysa kay Duterte, period!
XXX
LAGOT SINA EX-P-DUTERTE AT SEN. DELA ROSA KAPAG SI EX-PNP CHIEF ALBAYALDE ANG TUMESTIGO SA ICC -- Ayon kay ret. Gen. Albayalde ay handa raw siyang humarap sa imbestigasyon ng International Criminal Court (ICC) kung ipag-uutos ito sa kanya ng Dept. of Justice (DOJ).
Naku, kapag itong si Albayalde nag-state witness sa naganap na extrajudicial killings (EJK) sa ‘Pinas ay lagot sina ex-P-Duterte at former PNP chief Senator Ronald dela Rosa, kasi ang dating PNP chief na ang tetestigo laban sa kanila, boom!
XXX
MAGAWA KAYA NG BAGONG DTI SEC. NA PABABAIN ANG PRESYO NG MGA BILIHIN SA MERKADO? -- Itinalaga ni PBBM si businesswoman Cristina Aldeguer-Roque bilang bagong kalihim ng Dept. of Trade and Industry (DTI) kapalit ng nag-resign na si ex-Sec. Alfredo Pascual.
Sa panahon ni ex-Sec. Pascual ay nabigo siyang pababain ang presyo ng mga bilihin sa bansa, kaya tingnan nga natin kung kayang ibaba ni Roque ang presyo ng mga bilihin sa merkado, abangan!
XXX
MAHIRAP PANIWALAAN ANG SURVEY NG SWS NA TUMAAS ANG RATING NI PBBM -- Sa latest survey ng SWS ay inanunsiyo nito na tumaas daw ng plus 20 points ang rating ni PBBM.
Ganu’n?! Parang ang hirap namang paniwalaan ‘yan kasi may mga survey na halos kalahati ng pamilyang Pinoy ay nagsabing sila’y naghihirap sa panahon ng Marcos administration, tapos sa survey ng SWS tumaas daw ang rating ni PBBM, boom!