ni Pablo Hernandez @Prangkahan | August 10, 2024
PANINIRA KAY SEN. BONG GO, HINDI PINANINIWALAAN NG MAMAMAYAN KAYA SA SENATORIAL SURVEY, NAG-RANK NO. 3 SIYA -- Sa kabila ng mga sunud-sunod na demolition job o paninira kay Sen. Bong Go, sa latest senatorial survey ng OCTA na inilabas noong July 18, 2024 ay nag-rank number 3 pa rin ang senador.
Ganyan din ang nangyari sa unang sabak sa pulitika ni Sen. Go na noong bago sumapit ang 2019 senatorial election ay sunud-sunod na demolition job ang ibinato sa kanya, pero nang matapos bilangin ang boto, panalo siya, rank number 3 dahil 20,465,005 Pinoy ang bumoto sa kanya.
Ang nais nating ipunto rito, hindi naniniwala ang majority Pinoy sa mga demolition job kay Sen. Go kung kaya nagwagi siya noong 2019 senatorial survey at laging mataas na rating ang nakukuha niya sa mga survey para sa 2025 election, period!
XXX
MATAPOS TABLAHIN NI PBBM ANG SENATE RESOLUTION NA PAGSUSPINDE SA PUV MODERNIZATION PROGRAM, BATIKUSIN KAYA NG SENADO ANG PRESIDENTE? -- Dinedma lang ni Pres. Bongbong Marcos (PBBM), ng Dept. of Transportation (DOTr) at Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang resolusyon ng Senado na humihiling sa pamahalaan na suspendihin ang Public Utility Vehicle Modernization Program (PUVMP) dahil ayon sa Marcos admin, tuloy ang implementasyon ng programang ito.
Ngayong tinabla ng Marcos admin ang Senate resolution, tingnan natin kung magagawa ng majority senators na batikusin si PBBM sa isyung ito, abangan!
XXX
KUNG SINSERO ANG SENADO SA SUSPENSYON NG PUV MODERNIZATION PROGRAM, DAPAT SA SC LUMAPIT AT HINDI SA PAGGAWA NG SENATE RESOLUTION -- Kung sinsero ang Senado na masuspinde ang implementasyon ng PUV Modernization Program, dapat hindi resolusyon ang ginawa nila.
Ang dapat ginawa ng Senado ay naghain sila ng petisyon sa Supreme Court (SC) tungkol sa isyung ito kasi ang SC lang ang may karapatang mag-utos sa Malacanang na suspendihin ang implementasyon ng PUVMP, kung sa pag-aaral nila ay lalabas na unconstitutional ang ganitong uri ng programa ng pamahalaan, period!
XXX
PATI MGA BUNDOK NG ‘PINAS, TILA SINISIRA NA RIN NG MGA CHINESE -- Sampung Chinese na sangkot sa illegal mining sa Zamboanga ang iaresto ng Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC).
Grabe naman ang ginagawa sa ‘Pinas ng mga Chinese na ‘yan, kasi hindi lang pala harassment sa mga Pinoy sa West Philippine Sea (WPS), hindi lang pagpapalaganap ng illegal Philippine Offshore Gaming Operators (POGO), hindi lang pagpapakalat ng shabu ang ginagawa nila, kundi pati pala pagsira sa mga kabundukan ng bansa, tsk!