ni Pablo Hernandez @Prangkahan | August 26, 2024
HARRY ROQUE NAKULONG LANG NG 24-ORAS IPINAYABANG NA, TINGNAN NATIN KUNG ‘DI SIYA UMIYAK SA KASONG NO BAIL -- Ibinida ni former presidential spokesman Harry Roque ang kanyang paglaya sa 24-oras na kulong sa piitan ng Kamara kaugnay sa contempt matapos na magsinungaling siya sa House of Representatives, na ayon sa kanya ngayong naranasan na niya ito ay hindi na raw siya matatakot makulong uli at itutuloy umano niya ang laban sa administrasyong Marcos.
Hay naku, 24-oras lang nakulong ipinagyabang na, tingnan natin kung hindi siya umatungal ng iyak kapag nakulong siya sa no bail na qualified trafficking in person na isasampa sa kanya ng Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) tungkol sa pagkakasangkot niya sa sindikatong Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) sa bansa, abangan!
XXX
CONG. ERWIN TULFO NAGLABAN-BAWI SA PAGTAKBONG SENADOR? -- Sa kabila na madalas siyang mag-rank number 2 sa mga senatorial survey para sa 2025 midterm election, ay sinabi noon ni ACT-CIS partylist Rep. Erwin Tulfo na never siyang kakandidatong senador dahil mas nais daw niyang maging representante ng kanilang partylist sa Kamara, pero nang maisama na ang kanyang pangalan bilang isa sa 12 senatorial candidate ng Marcos administration ay “no comment” na siya sa isyung pagkandidato niya for senator sa halalan next year.
Isa lang ang ibig sabihin niyan, naglaban-bawi siya sa isyung pagkandidato sa pagkasenador, na kung noong una ay ayaw niyang lumahok sa senatorial election, ngayon, sasabak na siya, period!
XXX
PARANG SINABI NI SEN. TOLENTINO NA PRO-CHINA SI EX-P-DUTERTE, AT MAKA-PILIPINO SIYA SA ISYU NG WPS -- Sabi ni re-electionist Sen. Francis Tolentino na kaya raw siya kumalas sa partido nilang PDP na pinamumunuan ni ex-P-Duterte ay dahil magkaiba raw ang pananaw nila ng dating presidente sa isyu ng West Philippine Sea (WPS).
Kumbaga, parang sinabi na rin ni Sen. Tolentino na siya ay maka-Pilipino at si ex-P-Duterte ay maka-China, boom!
XXX
WALANG SALA ANG MGA PULIS SA PAGKAMATAY NG ISANG KOJC MEMBER, KASI ATAKE SA PUSO ANG IKINAMATAY NITO -- Isa sa kasapi ng sektang Kingdom of Jesus Christ (KOJC) ang nasawi nang pasukin ng mga pulis ang KOJC church para isilbi ang warrant of arrest sa puganteng si Pastor Apollo Quiboloy na nahaharap sa mga kasong sexual abuse and human trafficking.
Ang nangyari sa kasaping ito ng KOJC ay hindi dapat isisisi sa mga pulis, kasi atake sa puso ang ikinamatay nito, at hindi sa kamay ng mga parak, period!