ni Pablo Hernandez @Prangkahan | Sep. 29, 2024
WALANG MABUTING DULOT SA MAMAMAYAN ANG PORK BARREL -- Matapos mabulgar ang P10 billion pork barrel scam ni Janet Napoles, mga senador at kongresista noong July 2013 at idineklara ng Supreme Court (SC) noong November 2013 na unconstitutional ang pork barrel funds kasi nga ini-scam lang ito ng pork barrel queen (Napoles) at ilang buwayang pork barrel politicians, ay agad ipina-stop ng noo’y Pres. Noynoy Aquino ang pork barrel projects ng mga lawmaker, kaya noong year 2014, 2015 at 2016 ay wala nang pork barrel ang mga sen. at cong.
Sa totoo lang, walang mabuting dulot ang pork barrel funds sa mamamayan at napatunayan na iyan nang mabulgar nga ang P10 B pork barrel scam.
Ang nais nating ipunto, kung nagawa ni P-Noy tanggalin ang pork barrel, at kung gugustuhin ni Pres. Bongbong Marcos (PBBM) ay magagawa rin niya itong ipatanggal, period!
XXX
NANG MAWALA ANG PORK BARREL, ANG ‘PINAS AY NAGING “ASIA’S RISING TIGER” O LUMAGO ANG EKONOMIYA – Maganda ang naging dulot sa pamumuhay ng mga Pinoy ng pagkawala ng pork barrel sa ilalim ng Aquino admin, lumiit ang utang ng Pilipinas, dumami ang mga proyekto na nagbigay ng maraming trabaho sa mga jobless Pinoy, nakapagbigay ng todong suporta sa mga magsasaka kaya naging rice sufficient ang ‘Pinas, naging mura ang presyo ng bigas, naging malaki ang pondo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) na mula sa dating bilang na 786,000 pamilyang Pinoy lang ang nabibiyayaan ay pumalo ito sa higit 4.4 pamilyang Pinoy kaya nga bago bumaba sa kanyang termino si P-Noy, ang dating taguri sa Pilipinas na “Sick Man of Asia,” ay naging “Asia’s Rising Tiger.”
Ang masaklap, dahil ang pork barrel ng mga sen. at cong. ay naibalik noong panahon ng Duterte admin at Marcos admin kung kaya’t nabaon na nang husto sa utang ang ‘Pinas, nagmahal ang presyo ng mga bilihin at bayarin. Kaya ang resulta nito, ang taguring “Asia’s Rising Tiger” o paglago ng ekonomiya sa panahon ni P-Noy, ay pabalik na sa taguring “Sick Man of Asia” sa panahon ni PBBM, tsk!
XXX
NANG IBULGAR NI MAYOR MAGALONG NA MAY PORK BARREL PA RIN ANG MGA SEN. AT CONG., WALANG LAWMAKER NA NAGSABING SINUNGALING SIYA -- Nang ibulgar ni Mayor Benjamin Magalong na pinagpipiyestahan umano ng mga sen. at cong. ang kaban ng bayan sa pamamagitan ng pork barrel funds, wala isa man sa mga senador at kongresista ang nagsabing sinungaling ang alkalde ng Baguio City.
Ibig sabihin niyan, totoo ang ibinulgar ni Mayor Magalong na patuloy na nagtatamasa ang mga “honorabol” sen. at cong. sa pork barrel funds, boom!
XXX
DAPAT ANG MAGING NEXT PRESIDENT SA 2028, ANTI-PORK BARREL -- May pag-asa pa naman ang Pilipinas na bumalik sa pagiging “Asia’s Rising Tiger.”
Ito ay kung ang magiging presidente after ng 2028 election ay anti-pork barrel, period!