top of page
Search

ni Lolet Abania | February 21, 2022



Nangako ang pamahalaan na magbibigay ng assistance sa mga Overseas Filipino Workers (OFWs) na nagpositibo sa COVID-19 na nasa Hong Kong, sa gitnang ng restriksyon na ipinatutupad ng mga awtoridad sa naturang bansa.


“Our POLO [Philippine Overseas Labor Office] immediately provided them with food, hygiene kits and power banks to allow them to communicate while waiting for calls from the Center for Health Protection and HK Labour Department,” ayon kay acting presidential spokesperson Karlo Nograles ngayong Lunes.


“In addition to this, our POLO coordinated with a non-government organization to provide an isolation facility to accommodate several of our OFWs. It also coordinated with the HK Labour Department, which set up an isolation facility for our kababayans, pending admission to the quarantine facility, apart from providing transportation arrangements,” ani pa ng opisyal.


Sinabi pa ni Nograles na ang POLO ay nag-provide na ng US$200 para sa tinatawag na after-care financial assistance doon sa mga nakarekober na sa COVID-19.


Sa 28 OFWs na nasa Hong Kong na nagpositibo sa test sa COVID-19 hanggang nitong Pebrero 19, 2022, lima sa kanila ay nakarekober na sa sakit.


Sa lima, tatlo naman sa mga ito ay nakabalik na sa kanilang employers. Ang Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) ay nagbigay din ng $US200 bawat isa na COVID-positive na OFW.


 
 

ni Lolet Abania | December 19, 2021



Nasa kabuuang 336 overseas Filipino workers (OFWs) ang dumating sa Pilipinas mula sa Kuwait ngayong Linggo, ayon sa Department of Labor and Employment.


Sa isang post sa Facebook, sinabi ng DOLE na alas-10:30 ng umaga dumating sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1 ang mga nasabing OFWs.


“Ngayon po ang unang araw ng ating Pamasko at Bagong Taong salubong sa mga nanunumbalik na mga OFW. Kayo po ang kauna-unahan nating sasalubungin,” ani Overseas Workers Welfare administration (OWWA) Administrator Hans Leo Cacdac.


Nakatanggap naman ang mga OFWs ng mga pasalubong (souvenir items) at cash gifts na mula sa DOLE at OWWA.


Ang mass repatriation flight na ito ng mga OFWs mula sa Kuwait ay bahagi ng “Pamaskong Handog sa OFW” program ng DOLE at ng OWWA.

 
 

ni Jasmin Joy Evangelista | October 11, 2021



Nakahanda raw ang Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) sa inaasahang dami ng mga overseas Filipino workers na uuwi sa Pilipinas ngayong Pasko.


Ito ay sa kabila ng mahigpit na health procotols dahil sa COVID-19 pandemic.


Ayon kay OWWA administrator Hans Leo Cacdac, nananatiling nasa manageable level ang hotel accomodation para sa mga umuuwing OFWs.


Aniya, 15,000 ang itinuturing na “red alert level” sa bilang ng mga OFW na ina-accommodate ng government-sponsored hotels sa buong bansa.


Pero sa ngayon daw ay nasa 12,000 hanggang 13,000 lamang ang OFWs na umuwi at 9,859 dito ang nananatili sa 178 hotels sa NCR.


Samantala, tiniyak naman ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP), at ang One-Stop-Shop ng IATF na matutulungan nilanh makauwi sa kani-kanilang bahay ang mga uuwing OFWs ngayong Christmas season.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page