ni Eli San Miguel @Overseas News | Nov. 9, 2024
Photo: Wildfire sa California / Courtney Davis via Reuters
Napalikas ng mga wildfires ang libu-libong Californian at sinira rin nito ang mahigit 100 istruktura.
Kahit kumalma na ang malakas na hangin, patuloy pa rin ang pagsisikap ng mga bumbero na mapatay ang apoy na kumalat na sa mahigit 20,000 ektarya sa Ventura County.
Sinabi pa ng Cal Fire na nananatiling banta ang sunog sa mga kritikal na imprastruktura at patuloy na masusunog ang mga nakapaligid na lugar.
Noong Huwebes, mahigit 10,000 katao ang inutusang lumikas mula sa mga kapitbahayan malapit sa Camarillo, mga 45 milya pababa ng Pacific Coast mula sa Santa Barbara.
Pagkatapos nito, ilang bahay ang sinilaban ng mga uling na dinala ng hangin na umabot sa bilis na 80 mph (130 kph). Mahigit 130 na istruktura ang nawasak sa sunog, ayon sa ulat ng Los Angeles Times.