top of page
Search

ni Angela Fernando - Trainee @News | October 28, 2023




Nakatakdang bumalik ng bansa ang pang-apat na batch na overseas Filipino workers mula Israel sa Lunes, Oktubre 30.


Ayon sa kay Department of Migrant Workers (DMW) official Hans Leo Cacdac, may 60 OFWs at 2 sanggol ang pauwi na sa bansa sa ilalim ng emergency repatriation, 32 sa mga ito ay hotel workers at 28 naman ay caregivers.


Kapag naging matagumpay ang paglapag ng pang-apat na batch, 119 OFWs at 4 na sanggol na ang natulungang makauwi ng bansa.


Sa kabilang banda, meron pang mahigit 180 manggagawang Pilipino sa Israel ang nagnanais na makauwi ng Pilipinas.




 
 

ni Jenny Rose Albason @News | October 13, 2023




Isa pang Pilipino ang kumpirmadong patay sa gitna ng pag-atake ng Palestinian militant group na Hamas sa Israel ngayong Biyernes, Oktubre 13.


“I regret to inform you that yes, it is confirmed there is a third Filipino casualty, a 49-year-old from Negros Occidental,” ayon kay DFA Undersecretary Eduardo de Vega sa isang briefing ng Palasyo.


Ang naunang dalawang nasawi ay kinilalang sina Angeline Aguirre, isang nurse, at Paul Vincent Castelvi, 42, caregiver.

 
 
  • BULGAR
  • Mar 14, 2022

by Info - @Brand Zone | March 14, 2022



Masayang sinalubong ng mga mamamayan ng Las Pinas ang buong team ng AKOOFW Partylist sa pangunguna ng kilalang tagapagtaguyod sa karapatan ng mga OFW na si Dr. Chie Umandap sa isang malaking rally na ginanap kamakailan.


Number 10 sa balota, ang AKO OFW ay pumapalo sa mga pre elections na inilabas kamakailan patunay sa lumalakas na panawagan ng OFW sector na ipasok ito sa Kongreso sa darating na Mayo.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page