ni Angel Fernando @News | Jan. 16, 2025
Photo File: AFP / Circulated
Pinaigting pa ng Israel ang mga pag-atake sa Gaza ilang oras matapos ianunsyo ang kasunduan ng tigil-putukan at pagpapalaya ng mga bihag, ayon sa mga residente at opisyal sa Palestinian enclave.
Ang komplikadong kasunduang ito sa pagitan ng Israel at ng militanteng grupong Hamas, na may kontrol sa Gaza, ay inilabas nu'ng Miyerkules matapos ang ilang buwang pag-uusap ng Qatar, Egypt, at United States (US).
Layon ng nasabing kasunduan na tapusin ang 15-buwang matinding karahasan na sumira sa coastal territory at nagpalala ng tensyon sa Middle East.