top of page
Search

ni Jenny Rose Albason @News | October 9, 2023




Naitala sa lalawigan ng Oriental Mindoro ang unang kaso ng African swine fever (ASF).


Sa isang pahayag, iginiit ni Governor Bonz Dolor na ang mga kaso ng ASF, ay hindi nakakaapekto sa kalusugan ng tao.


Nagmula umano ito sa mga barangay ng Dannggay at Bagumbayan sa bayan ng Roxas.


Nag-utos siya ng sample testing para sa 'highly contagious pig disease' sa limang bayan sa Roxas gayundin sa isang baryo sa bayan ng Mansalay kung saan iniulat ang kaso ng ASF.


Maglalagay rin aniya ng checkpoints sa mga border ng Roxas at Bongabong towns at sa Roxas-Mansalay boundary. Dagdag pa ni Dolor, ipinagbabawal na rin ang pagbebenta ng baboy sa pamamagitan ng Danggay o Roxas ports simula ngayong araw, Lunes.



 
 

ni Mai Ancheta @News | July 22, 2023




Maaari nang bumalik sa laot ang mga mangingisda sa lahat ng baybayin ng Oriental Mindoro.


Ito ang inanunsyo ni Oriental Mindoro Governor Humerlito Dolor matapos lumitaw sa pagsusuri ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) na wala ng presensya ng polycyclic aromatic hydrocarbons mula sa demersal at pelagic species sa ginawang water sample na kinuha sa karagatan.


Nangangahulugan aniya ito na maaari nang payagan ang pangingisda sa karagatan ng Pola.


Gayunman, nilinaw ni Pola Mayor Jennifer Cruz na hindi pa rin pinapayagan ang paliligo sa karagatan ng Pola dahil mayroon pa ring langis sa dalampasigan.


Matatandaang nagpatupad ng fishing ban sa lalawigan dahil sa tumagas na langis mula sa lumubog na MT Princess Empress noong Pebrero 28, 2023.


Naunang inalis ang fishing ban sa mga bayan ng Bacco, San Teodoro, Puerto Galera, Bongabong, Mandalay, Bulalacao at Roxas noong May 8,2023 na sinundan naman ng bayan ng Naujan at Pinamalayan noong June 26.


Natapos ang paglilinis ng Coast Guard sa oil spill ng MT Princess Empress noong June 16, 2023.


 
 

ni Madel Moratillo | April 16, 2023




Pumalo na sa 441.2 milyong piso ang halaga ng nawalang kita ng mga mangingisda sa Oriental Mindoro dahil sa oil spill.


Sa monitoring ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources, sinabi ni Director Demosthenes Escoto na aabot na sa mahigit 26 libong mangingisda ang direktang apektado ng oil spill.


Kada araw bawat isang mangingisda ay nawawalan aniya ng kita na 714 pesos o katumbas ng 20 milyong pisong pagkalugi kada araw.


Aabot naman sa 445.3 milyong piso ang halaga ng mga napinsalang gamit, at pasilidad sa pangisda dahil pa rin sa oil spill.


Ayon sa BFAR, may natukoy din silang minimal na antas ng polycyclic aromatic hydrocarbons sa mga lugar na apektado ng oil spill na nakakapinsala naman sa mga tao at iba pang living organisms.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page