top of page
Search

ni Jasmin Joy Evangelista | September 10, 2021



Inilunsad na ng simbahang Katolika ang mobile app para matugunan ang "new normal" sa pananampalataya.


Ito ang ‘FaithWatch’ app kung saan maaaring manood o makinig ng mga misa na pang-Katoliko.


Gamit ang FaithWatch app, maaaring hanapin sa smartphone ang pinakamalapit na simbahan, malaman ang mga oras ng misa roon, at masabayan ang mga naka-livestream.


Maaari ring magbasa ng Gospel reflections at balitang simbahan at magpadala ng mga Mass intention.


Ayon sa Media Office ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) na nasa likod ng proyekto, layon ng app na matulungan ang mga Katolikong maging aktibo sa pananampalataya at maengganyo rin ang mga hindi deboto.


“It wishes to reach out to the ‘unchurched’ populating social media through vlogs and other contents produced and formatted with ‘missio ad gentes’ (mission toward all people) in mind,” ani CBCP Media Office director Msgr. Pedro Quitorio III sa isang pahayag.


Kasama ng CBCP sa pag-develop ng app ang Areopagus Communications Inc. at ang Heart of Francis Foundation.


Plano rin nilang i-update ang app para maisama ang schedule ng mga sacrament at pagdasal ng rosaryo.


Maaaring i-download ang FaithWatch app sa mga Android at iOS phones.

 
 

ni Mary Gutierrez Almirañez | April 4, 2021




Ipinagdiriwang ng simbahang Katoliko ang Easter Sunday sa pamamagitan ng online mass ngayong araw, Abril 4.


Matatandaang kabilang ang religious gatherings sa mga ipinagbawal sa ilalim ng ipinatupad na bagong guidelines ng Inter-Agency Task Force (IATF) dahil sa pagtaas ng COVID-19, partikular na sa NCR Plus Bubble, kung nasaan ang Metro Manila, Bulacan, Laguna, Cavite at Rizal.


Gayunman, may ilan pa ring deboto ang taimtim na nagdarasal sa labas ng simbahan, habang patuloy na sinusunod ang health protocols katulad ng social distancing at pagsusuot ng face shield at face mask.


Kabilang si Pangulong Rodrigo Duterte sa nagpaabot ng mensahe patungkol sa Linggo ng Pagkabuhay.


Aniya, "As we collectively strive to overcome the challenges brought about by the COVID-19 pandemic, I trust that the promise of salvation will inspire us to look ahead for new beginnings and move forward with stronger faith and compassion for others. May this cornerstone of Christianity guide us as we pursue our shared aspirations for a better and safer future of our people. A blessed Easter to all!”


Samantala, inaasahan naman ang ‘Orbi et Urbi’ o mensahe ni Pope Francis mula sa Vatican na mapapanood din nang live mamayang alas-4 nang hapon (PHL time).


 
 
RECOMMENDED
bottom of page