ni Ronalyn Seminiano Reonico | March 28, 2021
Hindi maaapektuhan ng muling pagpapatupad ng enhanced community quarantine (ECQ) ang online classes sa NCR atbp. lugar, ayon sa Malacañang.
Pahayag ni Presidential Spokesperson Harry Roque sa media briefing noong Sabado, "Online classes will continue because [students and teachers] do not need to go out of their houses anyway.”
Ang ECQ ay magsisimula bukas, March 29 hanggang April 4 sa "National Capital Region Plus" na binubuo ng Metro Manila, Bulacan, Rizal, Laguna, at Cavite.