ni Jasmin Joy Evangelista | March 5, 2022
Posible pa umanong tumaas ang presyo ng petrolyo sa susunod na linggo kung saan ito na ang magiging ika-10 sunod na linggo ng weekly hikes, dahil sa patuloy na pagtaas ng global crude oil sa gitna ng Ukraine-Russia war.
Batay sa oil trading monitoring sa nakalipas na limang araw, base sa Mean of Platts Singapore, sinabi ng oil industry source sa GMA News Online na posibleng tumaas ang presyo kada litro ng diesel ng P5.30 hanggang P5.50.
Ang presyo naman ng gasolina ay posibleng tumaas ng P3.50 hanggang P3.70 kada litro.
Samantala, batay sa Unioil Petroleum Philippines’ price forecast mula March 8 hanggang 14 trading week, posibleng tumaas ang presyo ng P4 kada litro ang habang P3 kada litro naman ang gasolina.