ni Mai Ancheta @News | August 12, 2023
Panibagong kalbaryo na naman ang haharapin ng mga motorista sa susunod na linggo dahil sa nakaambang bigtime oil hike sa gasoline, diesel at kerosene.
Ayon kay Oil Industry Management Bureau Assistant Director Rodela Romero, ang napipintong malakihang oil hike ay batay sa apat na araw na oil trading simula August 7-10.
Inaasahang tataas ng mula P1.35 hanggang P1.65 per liter ang presyo ng gasoline, habang P1.10 hanggang P1.40 per liter naman ang diesel at tataas ng P2.05 hanggang P2.40 per liter ang kerosene.
Kapag nailarga ang dagdag-presyo, ito na ang ikalimang beses na straight na pagtaas ng gasoline, at pang-anim sa diesel at kerosene.