ni Mai Ancheta @News | August 27, 2023
Panibagong kalbaryo ang sasalubong sa publiko sa susunod na linggo partikular ang mga motorista dahil sa aasahang pang-walong pagtataas sa presyo ng produktong petrolyo.
Tataas ng mula 40 sentimos hanggang 70 sentimos kada litro ang presyo ng diesel habang P0.10 hanggang P.30 per liter ang gasolina, at P0.50-P0.80 per liter naman sa kerosene.
Posible ring tumaas ng mula dalawang piso hanggang apat na piso per kilogram ang liquefied petroleum gas (LPG) ngayong Setyembre.
Ang panibagong oil price hike sa susunod na linggo ay dahil sa plano umano ng Saudi Arabia na palawigin ang pagbabawas ng kanilang production sa Oktubre.
Naunang inihayag ng Saudi na hanggang Setyembre lamang ang kanilang production cut subalit pinag-iisipan at pinag-aaralan umano nila na palawigin pa ito hanggang Oktubre na mangangahulugang lilimitahan ang kanilang ipinapalabas na supply ng langis.
Dahil sa linggu-linggong pagtataas sa presyo ng produktong petrolyo ay humirit na ng dagdag-singil sa pamasahe ang iba’t ibang transport group at sumabay na rin ang taxi operators para sa P70 flag down rate dahil sa mataas na presyo ng langis