ni Jasmin Joy Evangelista | September 27, 2021
Muling magkakaroon ng pagtaas sa presyo ng petrolyo simula bukas, Setyembre 28.
Ito ay inanunsiyo ng mga kompanya ng langis ngayong Lunes.
Ito na ang ika-5 sunod na linggong nagkaroon ng oil price hike.
Ipinaliwanag ng mga taga-industriya na may taas-presyo dahil humina ang palitan ng piso kontra dolyar.
Tumataas din daw ang overall demand sa langis sa gitna ng pagkapos ng suplay ng United States (US) dahil pa rin sa pananalasa ng bagyo noong mga nakaraang linggo sa maraming US oil refineries.
Caltex
DIESEL +P0.90/L
GASOLINA +P0.55/L
KEROSENE +P0.95/L
Shell, Seaoil (Alas-6 ng umaga)
DIESEL +P0.90/L
GASOLINA +P0.55/L
KEROSENE +P0.95/L
Petrogazz (Alas-6 ng umaga)
DIESEL +P0.90/L
GASOLINA +P0.55/L
Cleanfuel (Alas-4:01 ng hapon)
DIESEL +P0.90/L
GASOLINA +P0.55/L