ni Lolet Abania | December 13, 2021
Matapos ang limang magkakasunod na linggong rollback, isang matinding pagsirit naman sa presyo ng mga produktong petrolyo simula bukas, Disyembre 14, ayon sa mga taga-industriya.
Sa magkahiwalay na advisories, ayon sa Chevron Philippines Inc. (Caltex) at Pilipinas Shell Petroleum Corp., at Seaoil Philippines Inc., magtataas sila ng presyo ng kada litro ng gasoline ng P1.60, diesel ng P1.35, at kerosene ng P1.20.
Ang Cleanfuel at Petro Gazz ay magpapatupad din ng katulad na taas-presyo sa gas, maliban sa kerosene.
Epektibo ang big-time price hike sa mga produktong petrolyo ng alas-6:00 ng umaga ng Martes, Disyembre 14, sa lahat ng kumpanya ng langis, maliban sa Caltex na ipapatupad ang taas-presyo ng alas-12:01 ng madaling-araw at Cleanfuel ng alas-4:01 ng hapon sa parehong araw.
Ang iba pang kumpanya ng langis ay maglalabas naman ng katulad ding anunsiyo ngayong linggo.