top of page
Search

ni Mai Ancheta @News | Apr. 5, 2025



Oil Price Hike

Photo File


Aasahan ang panibagong price adjustment sa produktong petrolyo sa susunod na linggo.


Ayon kay Department of Energy-Oil Industry Management Bureau Assistant Director Rodela Romero, ang taas-presyo ay minimal lamang at hindi aabot ng piso kada litro.


Batay sa pagtaya ng DOE-OIMB, ang inaasahang adjustment sa kada litro ng petrolyo ay ang mga sumusunod:


Gasoline-P0.30 hanggang P0.70 

Diesel-P0.20 hanggang P0.60


Kerosene-walang  paggalaw, o maaaring magtaas o mag-rollback ng P0.20 


Ayon kay Romero, ang pagtaas ng presyo ng langis ay dahil sa pagtaas ng demand ng

langis sa China nitong Marso at Abril dahil kasagsagan ito ng maintenance season.


Inaasahang mag-aanunsiyo ang mga oil industry player ng kanilang price adjustment sa Lunes at magiging epektibo ng Martes.


 
 
  • BULGAR
  • Nov 4, 2023

ni Eli San Miguel - Trainee @News | November 4, 2023




Magkakaroon ng pagbaba sa presyo ng petrolyo sa susunod na linggo.


Inaasahang magkakaroon ng mas malaking rollback sa diesel na mula P1.00 hanggang P1.40 kada litro. Magkakaroon naman ng bawas-presyo na umaabot mula P0.40 hanggang P0.80 bawat litro sa gasoline.


Para sa kerosene, may pagbawas ng presyo na mula P0.80 hanggang P1.20 bawat litro.


Magpapatupad ang mga oil company ng mga pagbabago sa presyo sa Martes (Nobyembre 7) batay sa cost swings ng Mean of Platts Singapore (MOPS) index, kasama na ang impluwensya ng pagbabago ng exchange rate (forex), market premium, pati na rin ang biofuel costs.

 
 

ni Eli San Miguel - Trainee @News | October 28, 2023




Inaasahan ang magkakaibang paggalaw sa presyo ng mga produktong petrolyo sa susunod na linggo.


Ayon kay Rodela Romero, assistant director ng Department of Energy (DOE) Oil Industry Management Bureau, base sa mga taya sa apat na araw na trading, posibleng magkaroon ng pagtaas na P0.25 hanggang P0.50 kada litro ng gasolina, ngunit mayroong posibilidad na pagbaba sa diesel na P1.20 hanggang P1.40 kada litro at P1 hanggang P1.20 bawat litro naman sa kerosene.


Gayunman, ayon sa isang source sa industriya ng petrolyo, ang posibleng paggalaw ng pump prices sa susunod na linggo ay maaaring maging pagbaba na P1.30 hanggang P1.40 bawat litro para sa diesel at pagtaas na P0.25 hanggang P0.35 bawat litro sa gasolina.


“Crude oil prices weaken despite geopolitical tension as diplomatic efforts in the Middle East intensified in an attempt to contain the conflict between Israel and Hamas, easing investor concerns about potential supply disruptions and reducing geopolitical risk premium,” paliwanag ni Romero.


Iaanunsiyo ng domestic oil companies sa Lunes ang mga huling pagbabago sa presyo, na magiging epektibo kinabukasan.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page