top of page
Search

ni Eli San Miguel - Trainee @News | November 3, 2023




Nakauwi na sa Pilipinas ang anim na overseas Filipino workers (OFWs) mula sa Lebanon bandang alas-6 ng umaga ngayong Biyernes sa Ninoy Aquino International Airport.


Dumating ang anim na Pilipino mula sa flight EK 366 na nanggaling sa Dubai, United Arab Emirates.


Samantala, ayon sa ulat ng Department of Migrant Workers (DMW) kanina, may 124 OFWs ang nagnanais bumalik sa Pilipinas mula sa Lebanon dahil sa tensyon sa pagitan ng Israel at ng grupong militanteng Hezbollah na nagdulot ng karahasan.


Sinabi rin ng Hezbollah na kanilang sinalakay nang sabay-sabay ang 19 posisyon ng Israel sa border noong Huwebes, na nagdulot ng "malawakang" pag-atake bilang ganti. Naganap ito sa gabi ng isang talumpati ng lider ng grupong sinusuportahan ng Iran hinggil sa giyera ng Israel at Hamas.

 
 

Filni Angela Fernando - Trainee @News | November 2, 2023




Hiniling ng kapatid na OFW ng pinaslang na Pinay nurse sa Israel na si Angelyn Aguirre na maiuwi sa bansa ang kanyang mga labi.


Nasawi si Angelyn sa bahay ng kanyang amo nang umatake ang Hamas nu'ng Oktubre 7, 2023.


Maayos na nakauwi sa bansa ang kapatid ni Angelyn na si Angenica Aguirre kamakailan ngunit hindi niya magawang tuluyang magsaya dahil naiwan pa sa Israel ang mga labi ng kanyang kapatid.


Aniya, huli silang nagkitang magkapatid halos pitong araw bago ang pag-atake ng Hamas kung saan napatay nga si Angelyn sa tahanan ng kanyang amo.


Dagdag niya, meron silang palitan ng pag-uusap mismong araw ng Oktubre 7.


Ninanais ni Angenica na maiuwi na ng 'Pinas ang bangkay ng kapatid upang maayos nila itong maipagluksa.


Inaasahang darating ang mga labi ni Angelyn sa bansa bukas, Nobyembre 4.


Sa kabilang banda, inaayos naman ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) ang tulong-pinansiyal na matatanggap ng pamilya Aguirre.

 
 

ni Angela Fernando - Trainee @News | October 28, 2023




Nakikipagtulungan ang 'Pinas sa Israeli Defense Forces upang mahanap ang 2 Pinoy na nawawala sa gitna ng karahasang nangyayari sa Hamas-Israel.


Ayon sa opisyal ng Department of Migrant Workers (DMW) na si Hans Leo Cacdac may umaabot sa 770 pamilya sa bansa ang humihingi ng tulong sa ahensya upang hanapin ang kanilang mga mahal sa buhay sa Israel.


May 768 na OFWs na ang nahanap at patuloy pa ring nakikipag-ugnayan ang DMW sa IDF upang mapabilis ang paghahanap sa dalawang Pilipino.


Sa kasalukuyan, wala pang nakukuhang impormasyon hinggil sa paghahanap sa mga nawawala


Hindi naman tumitigil at nawawalan ng pag-asa ang DMW na mahanap ang dalawang OFW.






 
 
RECOMMENDED
bottom of page