ni Ronalyn Seminiano Reonico | February 13, 2021
Naglabas ng bagong voter registration schedule ang Commission on Elections (Comelec) ngayong Sabado para sa mga overseas voters na nais magparehistro para sa darating na national at local elections sa 2022.
Ayon kay Comelec-Office for Overseas Voting (OFOV) Director Sonia Bea Wee-Lozada, maaaring magsumite ng application simula Lunes hanggang Biyernes, 8 AM-5 PM sa mga sumusunod na field registration centers sa Metro Manila:
COMELEC-OFOV, Ground Floor, Palacio del Gobernador Building, General Luna St., Intramuros, Manila
Department of Foreign Affairs (DFA) - Aseana, Bradco Avenue cor. Macapagal Boulevard, Aseana Business Park, Parañaque
Philippine Overseas Employment Administration (POEA), Blas F. Ople Building, Ortigas Avenue cor. EDSA, Mandaluyong
Maritime Industry Authority (MARINA), SM Manila Satellite Office, Almeda-Lopez cor. A. Villegas and 1000 San Marcelino St., Ermita, Manila.
Samantala, kailangan munang mag-set ng appointment ang mga nais magparehistro sa COMELEC-OFOV sa pamamagitan ng mga sumusunod:
Pag-email sa overseasvoting@comelec.gov.ph
Pagpapadala ng direct message sa Facebook Messenger sa link ng Office for Overseas Voting PH Facebook page (fb.com/overseasvotingph)
Maaari ring tumawag sa telephone numbers na (02) 8522-2251 o (02) 8521-2952
Puwede ring mag-send ng SMS sa mobile numbers +63 951 875 9882 (TNT/Smart/Sun) o +63 905 034 5158 (TM/Globe).
Ang mga Pilipino na inaasahang umalis ng bansa simula sa April 10 hanggang May 9, 2022 ay maaaring magparehistro bilang overseas voters.
Saad pa ng Comelec, ang huling araw para makapag-file ng application sa pagpaparehistro bilang overseas voters ay hanggang sa September 30, 2021.