top of page
Search

ni Eli San Miguel @News | Nov. 25, 2024



Photo: Atty. Zuleika Lopez / OVP


Humaharap ang abogadong si Zuleika Lopez, kasama si Bise Presidente Sara Duterte, sa mas matagal na pagsubok.


Pinalawig ng House Committee on Good Government and Public Accountability ang pagkakakulong ni Lopez, ang chief-of-staff ng Office of the Vice President (OVP), ng karagdagang limang araw.


Inihain ni Deputy Minority Leader ACT Teachers Party-list Rep. France Castro ang mosyon na palawigin ang panahon ng pagkakakulong ni Lopez sa pagdinig ng komite ngayong Lunes.


Si Lopez ay kasalukuyang nasa kustodiya ng House sa Veterans Memorial Medical Center (VMMC) sa Quezon City.


Noong Nobyembre 20, sa nakaraang pagdinig ng komite, na-cite in contempt si Lopez dahil sa "undue interference in the conduct of proceedings." May kasamang utos ng pagkakakulong ang contempt citation.

 
 

ni Angela Fernando - Trainee @News | November 7, 2023




Inihain ngayong araw ang isang petisyon sa Korte Suprema ng ilang indibidwal na may hamong ibalik ng Office of the Vice President ang P125-milyong confidential funds sa kaban ng bayan.


Hiniling nina Atty. Barry Gutierrez, Arpee Santiago, at former Comelec commissioner Gus Lagman na ideklarang 'di konstitusyunal ang pagbibigay ng confi funds sa OVP nu'ng 2022.


Wala pang pahayag si Vice President Sara Duterte ukol sa usaping ito.


Bukod sa Bise Presidente, pinatutungkulan din ng petisyon ang ilang opisina tulad ng Department of Budget and Management.


 
 

ni Jasmin Joy Evangelista | March 24, 2022



In-exempt ng Commission on Elections (Comelec) ang Office of the Vice President (OVP) at ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa election ban on public spending para sa mga imprastraktura at iba pang proyekto.


Sa kanilang weekly meeting nitong Miyerkules, inaprubahan ng Comelec commissioners ang request ni Vice President Leni Robredo, isang presidential aspirant, na ipagpatuloy ang kanyang pandemic relief projects sa buong election campaign period mula March 25 hanggang Election Day sa May 9.


Sinabi rin ni Commissioner George Garcia na inaprubahan din nila ang petisyon ng DSWD na maging exempted sa election spending ban.


Ang pandemic response projects ni VP Robredo ay nasuspinde mula Feb. 4 mula nang magsimula ang spending ban.


Nagpasalamat naman ang OVP sa Comelec sa pagpayag nito na ipagpatuloy ang kanilang pandemic response at livelihood programs sa kasagsagan ng campaign period.


Sa isang pahayag, sinabi ng spokesperson ni Robredo na si Barry Gutierrez na ang naturang permission “will ensure that Angat Buhay projects which have helped hundreds of thousands of Filipinos in the past six years can continue to bring hope to communities all over the Philippines.”


Nang magsimula ang campaign season, sinuspinde ng OVP ang implementation ng mobile antigen testing, e-consultation services at iba pang livelihood programs para sa mahihirap, bilang pagsunod sa Omnibus Election Code.


Nag-offer ang OVP ng libreng telemedicine consultations para sa mga pasyente. Ang Vaccine Express program nito ay nakapag-administer ng bakuna para sa mga indibidwal na hindi makapagpabakuna sa mga government vaccination sites. Ang Swab Cab program naman ay naghandog ng libreng antigen testing sa iba’t ibang lugar sa bansa.


Sinabi naman ni Irene Dumlao, spokesperson ng DSWD, na magkokomento sila hinggil sa Comelec resolution kapag nakatanggap na ng kopya nito.


Ayon kay Garcia, nag-apruba rin ang Comelec ng mga katulad na petisyon na ipinasa ng mga government agencies at iba pang local government units, pero nag-deny din ng iba.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page