ni Jasmin Joy Evangelista | November 2, 2021
Suportado ng OCTA Research ang pagpapababa ng alert level sa National Capital Region sa Nobyembre 15.
Ayon kay OCTA Research fellow Guido David, maaari nang ilagay ang NCR sa Alert level 2 dahil sa patuloy na pagbaba ng kaso ng COVID-19.
Nagbabala naman ito na dahan-dahanin ang pagbaba at patuloy pa rin na ipatupad ang minimum health protocols.
Sa kasalukuyan ay nasa 30 percent lamang ang hospital utilization sa NCR at ang intensive care unit utilization ay nasa 39% lamang.
Malaking bahagi rin ng pagbaba ng kaso ng COVID-19 ang patuloy na pagtaas ng bilang ng mga Pilipinong nababakunahan.