top of page
Search

ni Eli San Miguel @News | Oct. 14, 2024



Photo: Larawan nina Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. at dating Pangulong Rodrigo Duterte / Page


Tumaas ang bilang ng mga Pilipinong kinikilala ang kanilang mga sarili bilang pro-Marcos sa ikatlong quarter, habang bumaba naman ang bilang ng mga pro-Duterte, ayon sa pinakahuling survey ng OCTA Research.


Batay sa Tugon ng Masa (TNM) survey na inilabas ngayong Lunes, 38% ng mga adult na Pilipino ang nagpakilalang pro-Marcos, na tumaas ng 2% mula sa survey noong ikalawang quarter ng Marso.


Samantala, 15% ng mga Pilipino ang nagpakilalang pro-Duterte, na bumaba ng 1% mula sa nakaraang survey. “On the other hand, 26% of adult Filipinos consider themselves independent or individuals who do not identify themselves as pro-Marcos, pro-Duterte, or the opposition, a five percent decrease from the previous TNM survey conducted in the second quarter of 2024,” ani OCTA.


Ayon sa OCTA, habang ang mga natuklasan ay nagpapakita ng kaunting pagbabago sa pambansang antas para sa ikatlong quarter, nagpapahiwatig naman ang pagsusuri ng datos sa nakaraang tatlong quarter ng 2024 ng “patuloy na pagtaas” ng mga taong kinikilala bilang sumusuporta kay Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. at isang “patuloy na pagbaba” ng mga sumusuporta sa dating Pangulong Rodrigo Duterte.


Nakuha ang datos mula sa survey sa pamamagitan ng harapang interbyu sa higit sa 1,200 na respondente sa buong bansa mula Agosto 28 hanggang Setyembre 2, 2024.

 
 

ni Madel Moratillo | May 31, 2023




Patuloy ang pagbaba ng positivity rate ng COVID-19 sa National Capital Region (NCR).


Ayon kay Dr. Guido David, Fellow ng OCTA Research Group, nitong Mayo 28 ay nasa 21.2% na lamang na mas mababa sa 25.2% na naitala noong Mayo 21.


Maging ang reproduction number ng COVID-19 sa NCR, less than 1 na lang noong Mayo 26.


Ang positivity rate ay ang porsyento ng mga nagpopositibo sa COVID.


Habang ang reproduction number ay ang bilang ng mga taong nahahawa mula sa isang kaso.


Ang reproduction number na mas mababa sa 1 ay indikasyon ng pagbagal ng hawahan ng virus.


Kung bumaba ang positivity rate, nakapagtala naman ng bahagyang pagtaas sa bilang ng mga naoospital.


Mula sa 28.8% noong Mayo 21, bahagya itong tumaas sa 29.1% noong Mayo 28.


 
 

ni Lolet Abania | July 1, 2022



Patuloy ang pagtaas ng COVID-19 positivity rate sa National Capital Region (NCR) at siyam na iba pang lugar, kabilang na ang Cavite na nakapag-register ng pinakamataas, ayon sa independent monitoring group OCTA Research ngayong Biyernes.


Sa isang tweet, sinabi ni OCTA fellow Dr. Guido David na ang positivity rate ng Cavite ay umakyat ng 13.2% nitong Hunyo 29 mula sa 5.9% noong Hunyo 25. Habang ang positivity rate ng NCR ay tumaas ng 7.5% mula sa dating 6.0%.


Subalit, ang benchmark positive rate ng World Health Organization (WHO) ay nasa 5% lang. Ang positivity rate ay ang percentage ng mga tao na nagpopositibo sa COVID-19 na nakasama sa kabuuang bilang ng mga indibidwal na na-test.


Sa parehong data ng OCTA, makikitang tumaas din ang kani-kanilang positivity rate ng Laguna, Batangas, Benguet, Bulacan, Cebu, Davao del Sur, Iloilo, at Pampanga. Gayunman, ang positivity rate ng Rizal ay bumaba naman mula 11.9% ay naging 9.7%.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page