ni Nympha Miano-Ang @Sports | November 25, 2023
May halos 1,300 na mga Spartan racers ang lumahok sa makasabog-baga at makabaling-buto na Spartan Race Philippines Trifecta Weekend kung saan nagtagisan ang mga partisipante sa Beast Elite, Super at Sprint category na idinaos sa Montclair, Porac, Pampanga nitong nagdaang Nob. 18 hanggang 19.
Nagkampeon sa Elite 21k plus 30 obstacles si Mervin Guarte, segunda si Jeffrey Reginio at 3rd si Muhammad Sherwin Managil, habang nagreyna sa 3k Elite si Sandi Menchie Abahan, 2nd si Ailene Sabal at 3rd si Honoka Jinzai ng Japan. Hari rin sa 3k Elite si Guarte, 2nd si Ryoma Sugata ng Japan at 3rd si Jeffrey Reginio.
Nag-champ sa Super Elite si Melissa Campos, 2nd si Aubrey Marlette Lusanta at 3rd si Decilan Joy Egsan, habang sa Beast Elite si Ailene Sabal, 2nd si Wendel Enerio at 3rd si Meng Chiu Ho ng Taiwan. Naghari sa Beast Elite male si Mohammad Managil, 2nd si Jobert Carolino at 3rd si Andrico Mahilum.
Ang Spartan race ay binubuo ng Stadion, Sprint, Super, Beast,Ultra, Obstacles at Trifecta na may 21k, 10k, 5k Elite age group at open category. Kabilang sa mga obstacles ng karerang hindi lamang sa pabilisan ng takbuhan ang kompetisyon kundi ang pagsubok sa malakas na pangangatawan at endurance, pagtahak sa dunk walls, may basket carry, rope climb, Olympus, A-tram cargo, balance beam, slash line, atlas carry, armor, chain carry, double sandbag carry, farmers carry, log carry, bender, vertical cargo plus, the box, stairway to spartan, cliff climb, rolling mud, bridge, open throw, free jump, barbed wire crawl, sandbag carry, fire jump, memory test, monkey bars, multi-rig at marami pang ibang challenges bukod sa babad ang katawan sa initan ng araw.
Kabilang ang mag-asawang anak ng publisher ng Bulgar ito ang lumahok sa Sprint 5k + 20 obstacles na sina Michelle Sison-Tolentino at Sean Marlon Tolentino na tagumpay na nakatapak ng finish line.