top of page
Search

ni Madel Moratillo | June 14, 2023




Tiniyak ni Health Secretary Teodoro Herbosa na maghahanap siya ng solusyon para hindi na mag-abroad ang mga Pinoy nurse at manatili na lang sa Pilipinas.


Ayon kay Herbosa, sa ngayon ay nasa 4,500 ang bakanteng plantilla position sa Department of Health pa lang.


Aminado ang kalihim na kung malaking sahod ang pag-uusapan, mahihirapan silang pigilan ang mga nurse kaya maghahanap sila ng paraan para mapigilan ang mga nurse na mangibang bansa.


Ayon kay Herbosa, mahirap ang buhay sa ibang bansa.


Sa ngayon, tinitignan aniya ng DOH ang mga lisensyadong nurse na nagtatrabaho sa mga BPO, flight at sales industry, at mga piniling maging medical representative.


Ayon kay Herbosa, kailangan ng gobyerno ang mga nurse para sa mga programang pangkalusugan.


Hindi aniya puwedeng maubusan ng mga nurse ang Pilipinas kaya tiniyak niyang aaksyunan ang problema.


"If nurses need to be paid, they should be paid. I don't want them to leave the Philippines," ani Herbosa.


 
 

ni Mylene Alfonso | March 31, 2023




Pinakilos ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., ang Commission on Higher Education (CHED) na agad na tugunan ang kakulangan ng mga nurses sa bansa dahil sa pag-a-abroad na nakaaapekto sa pagbibigay ng epektibong healthcare sa Pilipinas.


"We have to be clever about the healthcare manpower. Our nurses are the best,” pahayag ni Marcos sa pulong kasama ang Private Sector Advisory Council (PSAC) Healthcare Sector group sa Malacañang noong Miyerkules.


"Lahat ng nakakausap kong President, Prime Minister, ang hinihingi is more nurses from the Philippines,” punto pa ng Pangulo habang humihingi siya ng mga kongkretong hakbang sa CHED upang mapanatiling nagtatrabaho ang mga Filipino nurse sa bansa.


Bilang tugon, sinabi ni CHED Chairperson Prospero de Vera III na may ginagawa na silang paraan upang maparami ang mga nurse sa bansa.


Kabilang na ang retooling board non-passers, adopting nursing curriculum with exit credentials, redirecting non-practicing nurses at pagsasagawa ng exchange programs sa ibang bansa.


"Under the nursing curriculum with exit credentials, students could have several options: exit at the end of Level I or II, obtain the certificate or diploma in Nursing, or choose to continue and finish the four-year nursing program to become a registered nurse," paliwanag ni De Vera.


Inaayos na rin umano ng CHED ang flexible short-term masteral program upang matugunan ang kakulangan ng mga instructors sa nursing at medical schools.


Binanggit naman ni Department of Health (DOH) Officer-in-Charge Undersecretary Rosario Vergeire na ina-assess na ng kanilang hanay ang panukalang Magna Carta for Public Health Care Workers at Philippine Nursing Act habang pinag-aaralan ang

standardization ng suweldo ng mga nurse, doktor at healthcare workers.


 
 

ni V. Reyes | February 11, 2023




Ibinulgar ni Carl Balita, nurse advocate, na wala na rin halos clinical instructors o mga nagtuturo sa Nursing dahil maging sila ay nire-recruit na rin ng malalaking bansa. Ito aniya ang dahilan kaya’t may mga Nursing school na nais sanang tumanggap ng mga estudyante pero minabuti na ring magsara dahil walang magtuturo.


Samantala, kailangan na rin umanong pindutin ang “panic button” dahil sa nararanasang kakulangan ng mga nurse sa Pilipinas.


Tinukoy ng nurse advocate na si Dr. Teresita Barcelo na batay sa datos, mula sa nasa mahigit 600,000 registered nurse sa bansa ay 300,000 ang nag-migrate o nangibang bansa habang tinatayang 172,000 ang nagtatrabaho sa pribado at pampublikong health facilities.


Ang iba naman aniya ay nagtatrabaho sa mga call center, spa at iba pa na may alok na mas malaking sweldo.


Kapwa nalulungkot sina Barcelo at Balita na bagamat ang Pilipinas ang pangunahing pinagmumulan ng mga nurse para sa ibang mga bansa ay hindi kayang mapunan ang sariling kakulangan.


Kaugnay nito, muling umapela sa mga mambabatas ang mga nursing advocate upang mapagtibay ng dalawang Kapulungan ng Kongreso ang Comprehensive Nursing Law of 2015.


Tinukoy ni Barcelo na unang napagtibay noong 2016 ang Comprehensive Nursing Law na nagrepaso sa Republic Act 9173 o Philippine Nursing Act of 2002.


Nakarating na ng Office of the President ang nasabing batas ngunit na-veto o ibinasura ng dating Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino, Jr.


Giit ni Barcelo, hindi pa rin nareresolba ang problema sa nursing profession dahil bigo ang pamahalaan na gawan ito ng konkretong solusyon.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page