top of page
Search

ni Mylene Alfonso @News | August 9, 2023




Posibleng magpadala ng mga estudyante ang Estados Unidos sa Pilipinas para mag-aral ng nursing courses sa bansa.


Sa courtesy call ni U.S. Senator Tammy Duckworth kay Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., sa Palasyo, sinabi niya na kinakausap na niya ang embahada ng Amerika para sa posibilidad na magpadala ng kanilang mga estudyante sa Pilipinas.


Binanggit din ni Duckworth na makatutulong ang pag-aaral ng American students sa nursing schools sa Pilipinas para matugunan ang kakapusan sa nursing programs at residency slots sa Amerika.


Bukas naman si Marcos sa partnerships sa U.S. government kasabay ng pasasalamat kay Duckworth sa patuloy na suporta sa bansa.



 
 

ni Madel Moratillo @News | July 20, 2023




Puwede na ngayong makakuha ng libreng review classes para sa kanilang licensure exam ang mga nursing student.


Ito ay matapos na lumagda sa isang joint agreement order ang Department of Health (DOH), Commission on Higher Education (CHED) at Private Sector Advisory Council.


Layon nitong maresolba ang kakulangan ng mga nurse sa bansa.


Ayon kay Health Sec. Ted Herbosa, maraming nursing students at graduates ang hindi nakakakuha ng review classes dahil sa mataas na presyo na umaabot sa P20K hanggang P25K.


Ayon naman kay CHED Chairperson Prospero de Vera III, nais nitong makapag-produce ng mas maraming nurse sa bansa.


 
 

ni Mai Ancheta @News | July 12, 2023




Maituturing pa ring good news ang pag-alis ng mga Filipino nurses para mag-abroad kahit nahaharap ang Pilipinas sa kakulangan sa nars.


Ayon kay Commission on Higher Education (CHED) Chairperson Prospero de Vera, kahit may exodus, maituturing pa ring magandang balita ito dahil nangangahulugan lamang na pang-world class ang mga Pinoy nurse.


Mas mag-aalala aniya ang gobyerno kung hindi tatanggapin ang mga Filipino nurse sa abroad.


"The fact that our nurses are in-demand abroad is actually good news because that means we produce world-class nurses," ani De Vera.


Indikasyon umano ito na maganda ang kalidad ng sistema sa edukasyon ng Pilipinas dahil nakakapagpatapos ng magagaling na nars ang bansa.


Matatandaang nagtakda ng limitasyon ang Department of Labor and Employment (DOLE) ng mula 5,000 hanggang 7,000 sa deployment ng Filipino nurses sa ibang bansa dahil nauubusan na sa mga pampublikong ospital.


Ang iba namang nurse na nasa pribadong pagamutan ay kumukuha lamang ng kanilang karanasan at training bilang paghahanda sa kanilang pag-a-abroad.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page