ni Lolet Abania | June 24, 2022
Sa ginanap na Misa bilang paggunita sa unang anibersaryo ng kamatayan ni dating Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III ngayong Biyernes, kasabay na ipinagdasal ang paggaling ng kanyang kapatid na si Kris Aquino.
Ang panalangin para sa pagbuti ng kalagayan ni Kris ay binasa ng kanyang pamangkin na si Miguel Aquino-Abellada sa Prayers of the Faithful na bahagi ng Misa.
“For those sick and burdened, who are bereaved or in any distress, especially Kristina Bernadette, that they may be among the meek and humble of heart whom God comforts by revealing the secrets of his love,” sabi ni Miguel habang binanggit nito ang buong pangalan ng kanyang tita.
Kabilang sa mga dumalo sa Misa para sa yumaong si PNoy ay sina outgoing Vice President Leni Robredo, ang magkakapatid na Aquino, mga miyembro ng Liberal Party, kung saan sila nag-respond ng “Fill us with your love, Lord.”
Matatandaan na na-diagnose si Kris na mayroong Eosinophilic Granulomatosis with Polyangiitis (EGPA), dating kilala bilang Churg-Strauss Syndrome, at sumasailalim na rin sa treatments.
Una nang sinabi ng pinakabata sa magkakapatid na Aquino, na ang paliwanag sa EGPA niya ay tinatawag na kanyang adult-onset asthma, weight loss, gastrointestinal intolerances at fluctuating blood pressure, kung saan ipinagbawal na kay Kris ang pag-travel.
Nitong Mayo, ibinulgar naman ng Queen of All Media, na nagsa-suffer siya mula sa isang life-threatening illness. Sina Kris at Noynoy ay mga anak ng yumaong si Senador Benigno “Ninoy” Aquino Jr. at yumaong dating Pangulong Corazon Aquino.
Samantala, si Ateneo President Fr. Bobby Yap ang nag-officiate ng Misa para kay yumaong PNoy, na ginanap sa Church of Gesu sa loob ng Ateneo de Manila University campus sa Quezon City ng alas-10:00 ng umaga ngayong Biyernes.