top of page
Search

ni Jasmin Joy Evangelista | October 12, 2021



Patuloy na mananalasa ang bagyong Maring sa Northern Luzon habang patungo ito sa West Philippine Sea dahil sa lawak ng sirkulasyon nito.


Sa nakalipas na magdamag, naranasan sa Northern Luzon ang matinding ulan at hangin na dala ng severe tropical storm.


Ayon sa PAGASA, huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong 170 km kanluran ng Calayan, Cagayan na may taglay na lakas ng hangin na 100 kph at may pagbugsong 125 kph.


Kumikilos ito nang pakanluran sa bilis na 20 kph.


Nakataas pa rin ang Signal No. 2 sa Batanes, Cagayan, kasama na ang Babuyan Islands, northern portion ng Isabela, Apayao, Kalinga, Mountain Province, Abra, Ilocos Norte at Ilocos Sur habang Signal No. 1 naman sa natitirang bahagi ng Isabela, Nueva Vizcaya, Quirino, Ifugao, Benguet, La Union, Pangasinan, Aurora, Nueva Ecija, Tarlac, Zambales, Pampanga, Bulacan, northern portion ng Bataan, northern portion ng Quezon, kasama na ang Polillo Islands.

 
 

ni Lolet Abania | November 5, 2020




Naghahanda na ang lalawigan ng Cagayan sa inaasahang pagtama ng Severe Tropical Storm Siony sa Northern Luzon sa Biyernes nang umaga, ayon kay Gov. Manuel Mamba.


Ayon kay Mamba, nagtalaga na ang lokal na pamahalaan ng Cagayan ng mga pulis at sundalo sa hilagang bahagi ng lalawigan para i-monitor ang sitwasyon at kalagayan ng mga residente.


May mga inilaan na ring evacuation centers para sa mga magsisilikas sa lugar. “At this point in time po, handa naman tayo. Sanay po tayo dito because this is happening to us every year po, sa totoo lang,” sabi ni Mamba sa Laging Handa briefing kanina.


“We prepare more not only doon sa bagyo, pero more on the flooding brought by the rains ng mga bagyong ito,” dagdag pa ni Mamba.


Sa inilabas na report ng PAGASA ngayong Huwebes, itinaas na sa Tropical Cyclone Wind Signal No. 1 ang hilagang bahagi ng Cagayan, kabilang dito ang Santa Ana, Gonzaga, Lal-Lo, Allacapan, Santa Teresita, Buguey, Camalaniugan, Aparri, Ballesteros, Abulug, Pamplona, Sanchez-Mira, Claveria at Santa Praxedes.


Gayundin, sa forecast ng weather bureau, ang Bagyong Siony ay may lakas na 120 kilometro kada oras na tatama bukas nang umaga malapit sa buong Batanes at Babuyan Islands. “We do not expect so much damage,” ani Mamba. “Of course, we prepared for the worst.”

 
 

ni Thea Janica Teh | November 4, 2020



Itinaas na sa Storm signal no. 1 ngayong Miyerkules ang ilang bahagi ng Northern Luzon dahil ayon sa PAGASA, unti-unti nang lumalapit ang bagyong Siony.


Sa inilabas na update ng PAGASA kaninang alas-4 ng umaga, namataan ang bagyo sa 700 km east ng Basco, Batanes. Ito ay may maximum wind na 85 kph at may bugso ng hangin sa 105 kph.


Ito ang mga lugar na itinaas sa Storm signal no. 1: - northeastern portion ng mainland Cagayan (Santa Ana, Gonzaga) - eastern portion ng Babuyan Islands (Balintang Isl., Babuyan Isl., Didicas Isl., at Camiguin Isl.)


Sa susunod na 12 oras, mananatiling mabagal ang bagyong Siony habang papunta sa west-northwestward ng Luzon Strait at Northern Luzon.


Kaya naman makararanas din ng malakas na pag-ulan ngayong Miyerkules ang Aurora, Quezon, Camarines Norte, Camarines Sur, Catanduanes at eastern portion ng Cagayan at Isabela.


Pinag-iingat ng PAGASA ang mga residente sa mga nabanggit na lugar dahil sa posibleng pagbaha at pag-landslide.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page