ni Lolet Abania | August 5, 2021
Ipinaalala ng Department of Health (DOH) sa mga employers na ang pag-require ng COVID-19 vaccination sa kanilang mga empleyado ay hindi pinahihintulutan. Batay sa DOH sa ilalim ng Department of Labor and Employment (DOLE) Advisory No. 1 series of 2021, lahat ng employers ay maaaring himukin lamang ang kanilang mga empleyado na tumanggap ng COVID-19 vaccine subalit hindi dapat i-require o pilitin na magpabakuna.
“However, any employee who chooses not to get vaccinated or fails to get vaccinated shall not be discriminated against in terms of employment,” saad ng DOH sa isang statement. Sa ilalim ng Republic Act No. 11525 o COVID-19 Vaccination Program Act of 2021, ang mga vaccine cards ay hindi kinokonsiderang dagdag na requirement para matanggap sa trabaho.
Una nang binalaan ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang publiko hinggil sa kumalat na fake reports ukol sa COVID-19 cash assistance at pagbabakuna.
Gayundin, hiniling ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa National Bureau of Investigation (NBI) na imbestigahan ang maling impormasyong ito na nagdulot ng pagpa-panic ng mga residente na maaapektuhan ng pagsasailalim sa enhanced community quarantine (ECQ) ng Metro Manila.