ni Jersy L. Sanchez - @No Problem| September 19, 2021
Napapansin mo ba na may mga pagbabago na sa iyong skin kung saan hindi na ito kasing-ganda noon? Well, well, well, welcome to thirties, besh!
For sure, nagsisimula nang magpakita ang mga wrinkles at dark circles sa ilalim ng mga mata. Gayunman, posibleng ang mga ito ay resulta ng ‘adulthood’ o ang stress na nararanasan mo ngayon ay umepekto sa iyong skin, pero posibleng ang mga ito naman ay resulta ng polusyon. Awww!
Well, anumang kailangan nating pangalagaan ang ating balat hangga’t maaga, pero ‘pag nasa edad 30 ka na, ibang usapan na ‘yan. Pero for sure, may mga paraan para mapangalagaan pa rin ang ating skin habang tayo’y tumatanda. Anu-ano naman ang mga ito?
ARAW-ARAW NA PAGGAMIT NG SUN SCREEN. Knows n’yo ba na ang isa sa mga pagkakamali ng marami pagdating sa skincare ay ang hindi araw-araw na paggamit ng sunscreen. Pero ayon sa mga eksperto, ang labis na exposure sa araw ay nagdudulot ng malaking damage sa balat. Ito ay dahil hindi lamang burns at mga kondisyon tulad ng melanoma ang dulot ng sunlight kundi napabibilis din nito ang aging at paglabas ng wrinkles. Dahil dito, inirerekomenda ng mga eksperto ang paggamit ng SPF50 sa anumang edad at anumang panahon.
MAGHILAMOS SA UMAGA’T GABI. Isa pang hakbang na dapat idagdag sa ‘beauty routine’ ay ang paghihilamos sa umaga at gabi bago matulog. Bagama’t oks ding gumamit ng makeup remover o cleanser, mas epektibo pa rin ang paghihilamos gamit ang sabon at tubig. Kaya nitong tanggalin ang mga dumi sa mukha na pumipigil sa protective at renewing functions ng balat.
GLYCOLIC ACID. Ayon sa mga eksperto, ang ‘star’ ng anti-aging agents ay ang glycolic acid. Ito ay alpha hydroxy acid mula sa sugar cane. Gayunman, marami itong nagagawa sa balat tulad ng napabibilis nito ang epidermal renewal, kaya mas nagiging ‘bright’ ang balat. Gayundin, kayang mag-moisturize ng glycolic acid depende sa formulation ng cosmetic product (halimbawa, cream o gel). Bagama’t inirerekomenda naman ang 8% hanggang 20% concentration ng glycolic acid na dapat gamitin sa gabi, oks ding magsimula sa 5% hanggang 8% at kapag kaya nang i-tolerate ng balat, saka lamang itaas ang concentration.
VITAMINS C & E. Ang Vitamin C ay kilala bilang ascorbic acid, isa rin itong nakatutulong sa balat dahil ito ay cofactor ng maraming enzymes na mayroong ‘key role’ sa produksiyon ng collagen. Dahil madaling mag-oxidize ang Vitamin C, kailangang magkaroon ng ibang uri ng bitamina at concentration na nasa 5% hanggang 10% ang cosmetic formulation upang maging stable. Gayunman, ‘pag sun-aged skin ang pinag-uusapan, inirerekomenda ng mga eksperto ang 8% glycolic acid with Vitamins C & E dahil napatataas ng mga ito ang antioxidant power.
CHEMICAL PEEL. Ginagamit ng mga eksperto ang procedure na ito upang mapaganda ang appearance ng balat kung saan iba’t ibang uri ng solution ang puwedeng gamitin. Ayon sa mga eksperto, ang magandang edad para subukan ang procedure na ito ay 30.
HYDRATE. ‘Ika nga, mas mabagal nang mag-renew ang skin pagsapit ng 30-anyos at medyo hirap na ring i-maintain ang tamang level ng natural hydration. Dahil dito, matagal nang mag-peel off ang unang layer ng balat kaya mas dry at dull itong tingnan. Gayundin, bumabagal na ang produksiyon ng moisturizing factors sa balat tulad ng hyaluronic acid at tumataas ang degradation. Para tugunan ito, inirerekomenda ang paggamit ng exfoliating product. Samantala, para sa dryness na pinapalala ng exfoliating effect, inirerekomendang gumamit ng moisturizer.
Hindi talaga madali ang pagtanda dahil kasabay nito ang unti-unting pagbabago ng ating pisikal na anyo. Bagama’t ‘ika nga, hindi naman mahalaga ang panlabas na hitsura, oks din namang i-maintain ito, lalo na kung conscious ka.
Kaya para sa beshies natin d’yan na gustong mapantili ang pagiging young looking, make sure na gagawin ninyo ang mga hakbang na ito, gayundin ang rekomendasyon ng mga eksperto. Stay pretty, ka-BULGAR! Keri?