top of page
Search

ni Lolet Abania | August 4, 2021



Naglabas ng direktiba ang Metropolitan Waterworks and Sewerage System Regulatory Office (MWSS-RO) sa Maynilad at Manila Water na isuspinde muna ang mga disconnection activities matapos na isailalim ng gobyerno ang National Capital Region (NCR) sa enhanced community quarantine (ECQ) mula Agosto 6 hanggang 20.


Sa isang pahayag ngayong Miyerkules, inatasan ng MWSS-RO ang mga water concessionaires na suspendihin nila ang nakatakdang pagputol sa serbisyo ng tubig sa mga residente sa NCR sa panahon ng ECQ. Anila, “To ensure water supply availability within their service areas.”


Isasailalim ang NCR sa ECQ sa loob ng dalawang linggo dahil sa panganib na maaaring maidulot ng Delta variant ng COVID-19. “Maynilad will suspend the disconnection of the water service of accounts with bills that fall due within the ECQ period. This is in compliance with the directive of our regulators, and also in line with our effort to ease the financial burden on our customers whose livelihood may be constrained by the ECQ restrictions,” pahayag ng pamunuan ng Maynilad.


Ayon naman sa Manila Water, “As directed by the MWSS-RO, we will abide with the directive and suspend disconnection activities during the ECQ from August 6 to 20.” Samantala, umapela ang MWSS-RO sa local government units (LGUs) sa Metro Manila, Cavite, at Rizal na payagan ang mga meter readers ng Maynilad at Manila Water na ipagpatuloy ang on-site water reading at billing operations kahit nasa ilalim na ng ECQ.


“This will enable the concessionaires to bill their customers based on the actual water consumption, and help minimize billing complaints that may abound if the customers were to be billed on average consumption,” paliwanag ng MWSS-RO. Tiniyak naman ng ahensiya na ipapatupad ng Maynilad at Manila Water sa kanilang meter readers at iba pang personnel ang mga health at safety protocols habang nagsasagawa ng “read-and-bill.” “The agency will continue to protect the welfare of the public, especially during this difficult time of the pandemic,” sabi pa ng MWSS-RO.


Kasalukuyang nagseserbisyo ang Maynilad sa mga customers na nasa west zone gaya ng mga lungsod ng Caloocan, Las Piñas, Makati, Malabon, Manila, Muntinlupa, Navotas, Parañaque, Pasay, Quezon, Valenzuela. Kabilang din ang mga lugar sa Cavite tulad ng mga siyudad ng Bacoor, Cavite, at Imus at mga bayan ng Kawit, Noveleta, at Rosario.


Ang Manila Water ay nagseserbisyo naman sa east zone kabilang ang Mandaluyong, Makati, Pasig, Pateros, San Juan, Taguig, Marikina, at bahagi ng Quezon City at Manila, at mga bayan ng Angono, Baras, Binangonan, Cainta, Cardona, Jalajala, Morong, Pililia, Rodriguez, Tanay, Taytay, Teresa, San Mateo, at Antipolo sa lalawigan ng Rizal.

 
 

ni Lolet Abania | August 3, 2021



Sinuspinde ng Manila Electric Company (Meralco) ang kanilang disconnection activities sa Laguna at maging sa National Capital Region (NCR) ng mga piling petsa ngayong buwan, kasunod ng pagpapatupad ng mas mahigpit na quarantine restrictions sa nasabing lugar.


Ayon sa Meralco, hindi sila magpuputol ng kuryente sa Laguna mula Agosto 1 hanggang 15, kung saan ipapatupad ang modified enhanced community quarantine (MECQ) sa lalawigan. Hindi naman magsasagawa ng disconnection ang Meralco sa NCR mula Agosto 6 hanggang 20, 2021 dahil sa muling pagsasailalim dito sa pinakamahigpit na enhanced community quarantine (ECQ).


“Given the current situation, we continue to take into consideration the challenges our customers are facing amid these difficult times,” ani Ferdinand Geluz, first vice-president at chief commercial officer ng Meralco sa isang statement ngayong Martes. “Thus, we will again suspend all disconnection activities in NCR and Laguna to help ease the burden of our customers with the needed relief and additional time to settle their bills,” sabi pa ni Geluz.


Gayunman, hinimok ng kumpanya ang mga kostumer na patuloy pa rin na makipag-ugnayan sa kanilang billing at payment para hindi mahirapan sa pagbabayad sakaling na-lift na ang ECQ.


“Meralco business operations, including meter reading and bill delivery activities, will continue throughout the ECQ. Our continued operations will ensure that actual consumption for the month will be billed accordingly,” saad ni Geluz.


“But rest assured there will be strict implementation of health protocols in order to safeguard the health and safety of both customers and our personnel,” dagdag pa ng opisyal. Ayon pa sa Meralco, ang kanilang business centers ay mananatiling bukas mula alas-7:00 ng umaga hanggang alas-3:00 ng hapon, Lunes hanggang Biyernes, at mula alas-7:00 ng umaga hanggang alas-12:00 ng tanghali ng Sabado. Ang kanilang mga crew ay patuloy ding naka-standby 24/7.

 
 

ni Ronalyn Seminiano Reonico | March 28, 2021




Kasunod ng deklarasyon ng enhanced community quarantine (ECQ) sa National Capital Region (NCR) Plus Bubble, inanunsiyo ng Manila Electric Co. (Meralco) na sususpendihin ang lahat ng disconnection activities simula sa April 15.


Simula sa Marso 29 hanggang Abril 4, 2021 ay isasailalim sa mahigpit na quarantine measure ang NCR, Bulacan, Cavite, Laguna, at Rizal.


Pahayag ni Meralco Chief Commercial Officer Ferdinand Geluz, “Cognizant of the plight of our customers amid these challenging times brought about by the pandemic and in support of the government’s effort to manage the transmission of Covid-19, we commit to put on hold all disconnection activities until April 15 2021.


“We hope this measure will contribute to easing the burden of our customers and provide enough relief and time for them to settle their bills.” Una nang inanunsiyo ng Meralco na tuloy pa rin ang kanilang operasyon at pagsasagawa ng meter reading alinsunod sa utos ng Energy Regulatory Commission.


Saad pa ni Geluz, “Meralco business operations, including meter reading activities, will continue despite stricter quarantine measures. “Rest assured there will be strict implementation of health protocols in order to safeguard the health and safety of both customers and our personnel. This will ensure that actual consumption for the month will be billed accordingly. “Meralco crew will also continue to be on standby 24/7 to respond to any emergencies and reports.”


Hinikayat din ng kumpanya ang mga customers na magpadala muna ng mensahe sa kanilang Facebook Messenger, Twitter o tumawag sa 16211 hotline bago magtungo sa mga Meralco Business Centers (BCs) para sa kanilang mga katanungan dahil sasailalim sa skeletal workforce ang kanilang mga empleyado bilang pagsunod sa guidelines ng IATF.


Samantala, simula sa April 1 hanggang 3 ay sarado ang mga BCs bilang paggunita sa Maundy Thursday hanggang Black Saturday.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page