top of page
Search

ni Mylene Alfonso | June 11, 2023




Asahan na ang mas mataas na singil sa toll rates sa mga motorista ng North Luzon Expressway (NLEX) simula Hunyo 15 kasunod ng pag-apruba ng Toll Regulatory Board (TRB).


Base sa pahayag ng NLEX Corp., dapat nang magbayad ang mga motoristang bumibiyahe sa loob ng open system ng karagdagang P7 para sa Class 1 na sasakyan (regular na sasakyan at SUV), P17 para sa Class 2 na sasakyan (bus at maliliit na trak), at P19 para sa Class 3 na sasakyan (malalaking trak) habang magbabayad ng 36 centavos kada kilometro ang mga bibiyahe sa loob ng close system.


Habang ang open system ay mula sa mga lungsod ng Navotas, Valenzuela, at Caloocan hanggang Marilao, Bulacan at sakop naman ng closed system ang sumasakop sa pagitan ng Bocaue, Bulacan at Sta. Ines, Mabalacat City, Pampanga kasama ang Subic-


Tipo. Samantala, ang mga bibiyahe sa NLEX end-to-end sa pagitan ng Metro Manila at Mabalacat City ay magbabayad naman ng karagdagang P33 para sa Class 1, P81 para sa Class 2, at P98 para sa Class 3 na sasakyan.


Ipinaliwanag ng kumpanya na ang mga bagong rate ay bahagi ng authorized periodic adjustments noong taong 2012, 2014, 2018, at 2020.


"TRB allowed NLEX to collect this year the fourth and last tranche of the 2012 and 2014 periodic adjustments and only half of the 2018 and 2020 increases to help curb the existing inflationary situation and cushion their impact on the users of the expressway," pahayag ng NLEX.


Nabatid na mananatili pa rin sa lumang rate ang mga public utility jeepney sa ilalim ng NLEX Pass-ada at Tsuper Card discount at rebate programs ayon pa sa NLEX.


 
 

by Info - @Brand Zone | December 13, 2022



Tuwing makikita at malalaman po natin na may mga negosyante o pribadong sektor na gustong mag invest sa Caloocan, ay talaga namang natutuwa tayo. Marahil ay bunga din ito ng kasipagan ng ating mahal na Mayor Along Malapitan. Kaya naman confident silang magtayo ng negosyo.


Ngayong araw, tayo po ay sumama sa ginanap na Road Tour ng NLEX Connector Project kasama si Mayor Along Malapitan, Vice Mayor Karina Teh, Congresswoman Mitch Cajayon, Manila City Mayor Honey Lacuna, Vice Mayor Yul Servo, Congressman Abante , Coach Allan Gregorio at President ng NLEX Mr Luigi Bautista . Layon nito na mas mapabilis pa ang biyahe ng ating mga kababayan.


Maraming salamat sa mga kawani ng pamunuan ng NLEX. - Konsehal Arnold Divina


 
 

ni Lolet Abania | May 28, 2022



Inanunsiyo ng North Luzon Expressway (NLEX) Corporation, operator ng Subic Clark Tarlac Expressway (SCTEX) ang pagpapatupad ng toll rate adjustment nito matapos na aprubahan ng Toll Regulatory Board (TRB).


Sa isang statement ngayong Sabado, sinabi ng NLEX Corp. na inawtorisa na ng TRB ang implementasyon ng karagdagang P0.78 kada kilometro para sa mga motorista na gagamit ng SCTEX. Ang adjusted toll rates ay magiging epektibo simula Hunyo 1, 2022.


Sa ilalim ng bagong toll matrix, ang mga motoristang may Class 1 vehicles na bibiyahe between Mabalacat City at Tarlac ay magbabayad ng dagdag na P31.00. Para sa mga Class 2 vehicles na bibiyahe ng parehong ruta ay may dagdag na P61.00, habang para sa Class 3 vehicles naman may dagdag itong P92.00.


Samantala, may karagdagang P49.00, P98.00, at P147.00 ang charged sa mga motorista na may Class 1, 2, at 3 vehicles, ayon sa pagkakasunod, na bibiyahe between Mabalacat City at Tipo, Hermosa, Bataan, kung saan malapit ito sa Subic Freeport. Ayon sa NLEX Corp., “The toll hike followed regulatory procedures and underwent thorough review.


The increase also confirmed the periodic rate adjustments due in 2017.” “To support the public utility buses (PUBs) cope with the adjustment, they will be provided toll subsidies and allow them to continue to enjoy the old rates for the next three months,” sabi pa ng kumpanya. Ang NLEX Corp. ay subsidiary ng Metro Pacific Tollways Corp.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page