ni Nitz Miralles @Bida | Dec. 27, 2024
Pumalakpak sa tuwa sina Dennis Trillo at Ruru Madrid nang ibalita sa kanila habang naghihintay sa media screening ng Green Bones (GB) kahapon na sa second day ng 2024 Metro Manila Film Festival (MMFF), may 69 cinemas na ang nasabing pelikula.
Bago ang opening ng filmfest, 36 cinemas ang reported na allotted sa GB, naging 40, 47, 57 sa opening, at may dagdag pang screenings.
Sa second day ng MMFF, may 69 cinemas na ang entry ng GMA Pictures, GMA Public Affairs at Brightburn Entertainment nina Dennis at Jennylyn Mercado.
Sa Facebook (FB) post ni Nessa Valdellon ng GMA Pictures at GMA Public Affairs, sabi nito, “The good news: Green Bones hit 60 screens this December 26! The bad news: we have only 3 of them in the Visayas. Let’s hope we spread the word and eventually get screened there, worry ko ay mapalitan na ng Hollywood ang MMFF lineup after ng New Year without us ever reaching major provinces.”
Sa nababasa namin, ang daming requests na ipalabas sa mga lugar nila ang GB na in fairness, pinakinggan ng theater owners.
Patunay nito ang dagdag na sinehan at kapag nagpatuloy pa ang word of mouth at positive reviews ng mga nakapanood na, madaragdagan pa ang mga sinehan.
Hindi na siguro masasabi ni Ruru na UD o underdog sila dahil nga sa limited cinemas na ibinigay sa movie nila.
Sabi nga nito, “Lagi pong may dahilan ang Panginoon at ang pagiging underdog ang nagtuturo sa ‘tin na manatiling humble at masipag.”
Sa interview sa dalawa sa media screening sa Cinema 76 kahapon, nagpasalamat sina Ruru at Dennis sa suporta ng mga tao. Okey sa dalawa na nadaragdagan ang sinehan nila kesa mababawasan sa mga susunod na araw.
Sa mga nagsabing malaki ang chance ni Dennis na manalo ng Best Actor award, ang sagot nito, “Hindi ko masyadong iniisip ‘yun. Hindi ko iniisip ang individual na talent, kundi isang grupo. Ayaw kong magpa-stress at magpa-pressure, gusto ko lang i-enjoy lahat ito. Winner na ang pakiramdam na napili ito sa daan-daang entries na kasali sa MMFF. Doon pa lang, blessed na kami.”
Sakaling manalo man, ang iniisip ni Dennis, makakatulong ito para mas mai-promote ang pelikulang ito, para mas ma-curious ang tao na panoorin at ma-experience nila ang movie.
“Hindi lang ito basta pelikula, parang experience ito sa loob ng sinehan,” dagdag ni Dennis.
Kapag nanalo si Dennis, isa siya sa mga tatanggap ng trophy worth P200,000. Maganda, mabigat at mamahalin ang trophy na ang biruan ay puwedeng isangla.
As expected, nag-iyakan din ang press na nanood ng GB at dalawang beses nagpalakpakan nang matapos ang movie at lumabas na ang ending credits.
Pasasalamat ni Bryan Dy ng Mentorque Productions, “Salamat po sa mga nagdadagdag ng Sinehan #Uninvited.”
Kasama rin nitong ipinost ang positive reviews sa movie na lahat ng nakapanood, nagustuhan ang pelikula.
Ang nakakatuwa, kahit maganda ang box office standing ng movie at kahit patuloy na pinipilahan at naso-soldout, masipag pa rin ang cast sa cinema tour. Sama-sama sina Nadine Lustre, Elijah Canlas, Ron Angeles at Director Dan Villegas sa pag-iikot sa mga sinehan.
Samantala, justified ang nangyari sa karakter ni Aga Muhlach sa Uninvited. Lahat ay nag-agree na deserve niyang mamatay dahil sa sobrang kasamaan ni Guilly Vega (his character).
Ang nakagugulat lang ay kung sino ang pumatay sa kanya.
Para malaman at kung paano pinatay si Guilly, watch the movie na showing na ngayon sa maraming sinehan.