ni Nitz Miralles @Bida | Jan. 3, 2025
May meaning pala ang pagkain ni Kathryn Bernardo ng 12 green grapes sa ilalim ng mesa. Ang ibig daw sabihin ay gusto nitong magka-boyfriend at malinaw na wala silang relasyon ni Alden Richards.
Kung taken na si Kathryn at si Alden ‘yun, hindi siya kakain ng 12 grapes.
Ikinatuwa ito ng mga ayaw kay Alden for Kathryn at ikinalungkot naman ng mga umaasang may KathDen in real life.
Pero, hindi ba puwedeng nakiuso lang sa trend si Kathryn, kaya kumain ng grapes sa ilalim ng mesa. Binigyan lang ng ibang meaning ng mga netizens.
Anyway, siguro naman, nagbatian noong New Year sina Kathryn at Alden, pero hindi sila magkasama. Nasa ibang bansa ang aktor at doon nag-celebrate ng kanyang 33rd birthday kasama ang pamilya.
Itutuloy ni Alden sa bakasyon habang nasa ibang bansa siya para naman makapagpahinga at makapag-recharge.
Ikinatuwa at nagpasalamat ang mga fans ni Alden sa Eat…Bulaga! (EB!) at sa mga hosts
ng noontime show dahil kahit wala na sa EB! si Alden, hindi pa rin siya nakakalimutang batiin tuwing birthday niya.
Matatandaan na noong kasal nina Jose Manalo at Mergene Maranan, kabilang si Alden Richards sa wedding entourage, patunay na hindi nawala ang friendship niya sa mga taga-EB!.
Pasabog ang Instagram post ni Barbie Forteza sa unang araw ng 2025.
Kahapon, January 1, ginulat ng Kapuso princess ang lahat sa kanyang IG post na matapos ang 7 taon, hiwalay na sila ng kanyang Kapuso actor boyfriend na si Jak Roberto.
Simula ng post ni Barbie, "Having you in my life was the happiest I had ever been. Seven wonderful years, a lot of laughs, a lot of ramen, and so much love.
“Your love was exceptional.
“But sometimes, good things fall apart so better things can come together.”
“Beautiful goodbye, @jakroberto”
Nagpasalamat din ang aktres sa pagmamahal na ipinakita ni Jak sa kanya sa loob ng kanilang pitong taong relasyon.
“Thank you for loving me the way you did. I am excited for what's to come for the both of us. You take care of yourself. May you find the love you deserve.”
Pagtatapos nito, “I hope for everyone's understanding and I wish you can help us put this matter to rest.”
Hindi sinabi ni Barbie ang dahilan ng hiwalayan kaya tiyak na maraming espekulasyon na naman ang maglalabasan.
MAY pre-Valentine concert ang Sessionistas sa February 8, 2025 sa The Theater at Solaire billed Love Sessionistas: A Pre-Valentine Concert. Kinabibilangan ito nina Ice Seguerra, Nyoy Volante, Sitti, Duncan Ramos, Princess Velasco, Kean Cipriano at Juris.
Ang nasabing concert ay love letter ng mga performers sa kanilang fans na walang sawang sumusuporta sa kanila mula pa nang ipakilala sila sa ASAP’s 2009 Pwesto segment.
They promised an evening filled with music, nostalgia and heartfelt moments.
“Over the years, this phenomenal group captures hearts with their soulful renditions, unmatched chemistry, ang personal connection to their audience. Now, they’re back to relive the magic, performing their greatest hits and timeless OPM classics and sharing intimate stories about their journeys-onstage and off.”
Sabi ni Liza Diño, CEO ng Fire and Ice Media, producer ng concert, “This is the perfect love month concert. These seven artists are some of the best in the country, each with their own unique sound and genre. But when they come together, it’s like magic—they become a band that’s truly one in heart and soul. That energy is something fans will definitely feel on stage.”