ni Nitz Miralles @Bida | Dec. 3, 2024
Ang bait na kaibigan ni RS Francisco kay Sam Verzosa dahil ngayong tatakbong mayor ng Manila si Sam, hindi siya umeeksena.
“Lie low muna ako, hindi nga ako nagba-vlog. Let’s give the spotlight to Sam. Dalhin natin s’ya kung saan siya madadala. My fervent wish ay madala si Sam kung saan s’ya dapat maupo,” pahayag ni RS.
Suportado ni RS si Sam sa lahat ng ginagawa nito para maabot ang gustong maabot sa pagpasok sa pulitika. Nagbiro pa si RS na kung mananalo si Sam, “Si Rhian (Ramos) ang First Lady, Second Lady lang ako.”
Suggestion din ni RS kay Sam, magpatayo ng Boys Town sa Manila, para hindi na sa Boys Town sa Marikina dalhin o pumunta ang kabataan ng Manila.
Sa ngiti ni Sam, mukhang aprubado sa kanya ang suggestion ni RS, kaya bukod sa dialysis and diagnostic center, mukhang magkakaroon ng Boys Town sa Manila.
Nakakatuwa ang pa-throwback ng president ng Frontrow (RS) at CEO (Sam) sa kanilang mga pinagdaanan bago naging successful owner and founder, kung paano sila nagkakilala at kung paano nagpalibre ng beer si Sam at friend nito kay RS at sa friend naman nito nang magkita sila sa Eastwood.
Ngayon, hindi na nila kailangang magpalibre, ang dami na nilang pambili ng beer. Kilala rin ang Frontrow at si Sam na namimigay ng mga relief package dahil sa halip na sardinas, Spam at Delimondo corned beef ang ibinibigay at may kasama pang chocolate at kung anu-ano pa.
Dapat daw parangalan din sa Senado… MOVIE NINA KATHRYN AT ALDEN, NAKA-P1.4 B NA!
Hindi man mga producers ng Hello, Love, Again (HLA) ang mga fans nina Kathryn Bernardo at Alden Richards, looking forward sila sa pagdating ng araw na bigyan ng karangalan ang dalawa ng Senado dahil sa box office gross ng nabanggit na pelikula.
Kung matatandaan, sina Dingdong Dantes at Marian Rivera were honored by the Senate because of the billion mark gross of their movie, Rewind. Si Senator Robin Padilla ang nag-file ng resolution para kilalanin ang malaking kontribusyon nila sa cinema dahil sa P1.2 billion gross of their movie.
Sa latest update ng ABS-CBN, naka-report na HLA earned P1.4 billion box office sales worldwide.
Showing pa ang pelikula at sa third week ng showing nito, nadagdagan pa ang cinemas na pinaglalabasan.
Showing ang HLA sa 700 cinemas worldwide, kaya madaragdagan pa nang ilang milyon ang box-office gross nito at baka nga maabot ang P1.5 billion.
Wa' paki kahit i-bash ng fans nila ni David…
BARBIE, LANTARAN NG PAGMAMAHAL KAY JAK
Hindi na umiiwas si Barbie Forteza nang may magalit sa kanya na BarDa fans nila ni David Licauco tuwing nagpo-post siya tungkol sa boyfriend na si Jak Roberto.
Gaya na lang nitong birthday ni Jak, nag-post si Barbie ng birthday greetings at may photo pa silang magkasama.
“Happy birthday, mahal ko @jakroberto. I am so proud of all your accomplishments. I remember we’d always talk about your dreams of having your own house and managing your own business.
“Ngayon, unti-unti mong tinutupad ang mga pangarap mong ‘yun and I am so happy to have witnesses it myself.
“Today, we celebrate you. Cheers, Mahal. I love you.”
Sagot ni Jak, “Thank you, Mahal ko sa lahat ng suporta! Mahal na mahal po kita,” at may kasama pang red heart emoji.
Ang hindi na lang ginagawa nina Barbie at Jak ay ang i-open ang comment box ng kani-kanyang Instagram (IG) account para libreng nakakapag-comment ang mga fans, pati na haters nila.
Dapat, dedma na sila sa mga bashers at i-open ang comment box ng IG nila, mas masaya ‘yung minsan, may sinasagot silang bashers.
Speaking of Barbie, malapit na ngang magtapos ang Pulang Araw (PA), pero may next project na siyang aabangan ng kanyang mga fans, ito ang pelikulang P77 na sa title pa lang, maiintriga ka na.