ni Nitz Miralles @Bida | Dec. 15, 2024
Ang daming pala-desisyon sa love life ni Sunshine Cruz dahil nang lumabas ang video nila ni Atong Ang, may mga sumugod sa kanyang Instagram para magbigay ng opinion.
May mga nag-comment at marami siyang natanggap na unsolicited advice.
Sabi ng isang netizen, humanap ng bagong love life si Sunshine. Sey nila, ‘“Yung mamahalin ka talaga at seseryosohin ka at maayos na lalaki, ‘wag si A, ikaw ay matinong babae.”
May nagbiro kay Sunshine ng “Alagang Atong Ang,” at “Suwerte ni Boss AA.”
Sa palitan ng comment ng mga netizens, nalaman tuloy namin at totoo bang noon pang 2012 nanligaw si Atong kay Sunshine? Wala rin daw masama kung maging sina Atong at Sunshine dahil pareho silang legally annulled.
Ang dami agad invested kina Sunshine Cruz at Atong Ang, wala pa nga silang sinasabi sa status nilang dalawa.
Aktres, isinama sa screening na nandu’n si FL Liza… FANS NI KATHRYN, GALIT NA GALIT KAY ALDEN
May pinag-aawayan na naman ang kani-kanyang solid fans nina Alden Richards at Kathryn Bernardo at ito ay ang tungkol sa special screening ng movie nila sa Uptown Mall sa BGC noong isang araw.
Guest sa special screening na ‘yun si First Lady Liza Araneta-Marcos kasama si Senate President Chiz Escudero at Senators Grace Poe, Pia Cayetano at Alan Peter Cayetano. Present din si Taguig City Mayor Lani Cayetano.
Nag-react ang isang fan ni Kathryn, bakit daw isinama nina Alden at Atty. Annette Gozon-Valdes sa special screening ang aktres with the First Lady in attendance? Hindi raw ba alam nina Alden at Atty. Annette na maba-bash si Kathryn dahil sa ginawa nila?
Dagdag pa ng fan, sana ay hindi na magtambal uli sa pelikula sina Kathryn at Alden at hindi na makipag-collab ang Star Cinema sa GMA Pictures dahil nga kung saan-saan daw isinasama si Kathryn.
Nagalit ang mga fans ni Alden, bakit daw ang aktor at si Atty. Annette lang ang nakita ng mga fans ni Kathryn? Hindi raw ba nito nakita na present din sa special screening si ABS-CBN President Carlo Katigbak at ilang bosses ng ABS-CBN? Bakit daw kina Atty. Annette at Alden lang sila nagre-react?
Ipinaalam sa mga fans ni Kathryn na hindi sina Atty. Annette at Alden ang nasa likod ng special screening. Ang Megaworld na owner ng Uptown Mall ang nag-imbita sa FL, sa Senate President at sa mga senador.
Anyway, mapapayapa na ang mga fans ni Kathryn na hate si Alden dahil nag-sign-off na sila sa mga roles nila sa Hello, Love, Goodbye (HLG) at Hello, Love, Again (HLA). Pero, hindi ibig sabihin nito na hindi na sila magtatambal pa uli, na siyang gusto ng ilang fans ni Kathryn.
At tiyak na may dagdag na galit ang mga fans ni Kathryn kay Alden dahil sa bahay nina Kathryn ginawa ang victory party ng HLA. Sa studio raw ni Kathryn ang party at ibig sabihin, nakapunta na naman si Alden sa bahay ng aktres.
Ang Season 3 ng Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis (WMNPSMNM) ang pinakamaiksing tatakbo dahil seven (7) weeks lang ang airing nito sa GMA-7.
Magsisimula ito sa December 22, 2024 at magtatapos sa February 2, 2025, dahil sa February 12, simula na ng kampanya at muling tatakbong senador si Sen. Bong Revilla, Jr..
Ipinagbabawal ng COMELEC sa mga tatakbo, lalo na sa mga nasa showbiz, na napapanood sila sa telebisyon at sa pelikula habang tumatakbo ang kampanya.
May mga viewers na mabibitin dahil kung kailan mas maaksiyon ang action series, saka pa maiksi ang airing period.
Walang nabanggit si Sen. Bong kung magkakaroon pa ng Season 4 ang WMNPSMNM, pero malay nating lahat. May posibilidad na magbalik ang action series dahil sa binanggit ni Bong sa mediacon na magiging busy siya sa paggawa ng pelikula at sa telebisyon sa susunod na taon.
Anyway, isa sa mga aabangan sa Season 3 ng action series si Boss Toyo na walang naging paghahanda sa role na ginampanan dahil sabi nito, “I, myself ang role ko rito.”
Idol daw ni Boss Toyo si Sen. Bong at pareho silang taga-Cavite kaya siya nakumbinse na mapasama sa cast ng action sitcom.
Sey niya, “Ang dami nang offers na pinalampas ko dahil sa schedule ko at tinanong ko muna ang schedule ko. Pero, dahil kababayan ko si Bong at idol ko pa, hindi puwedeng palampasin ko ito, kaya I grabbed the opportunity.”
Sa tanong tungkol sa kanyang talent fee (TF), hindi raw nila napag-usapan ang tungkol doon.
Biniro siya na super-yaman na kasi kaya ‘di na naghahabol sa talent fee.
“Hindi ako mayaman, masipag at masikap lang,” sagot ni Boss Toyo.
Tungkol naman sa pag-arte, sabi ni Bong, magaling na artista si Boss Toyo, hindi raw ito umaarte dahil nga vlogger.
Aniya, “Hindi s’ya magiging Boss Toyo kung ‘di siya marunong kumonek sa tao.”