ni Nitz Miralles @Bida | Nov. 24, 2024
Hinanap ng mga bashers si Alden Richards nang tanggapin ni Kathryn Bernardo ang Snow Leopard Rising Award sa Asian World Film Festival 2024 sa Los Angeles, California.
Comment ng mga bashers ng aktor, hindi man lang daw sinuportahan ni Alden ang leading lady niya sa Hello, Love, Again (HLA) at pinabayaan na walang escort.
To the rescue ang mga fans ni Alden, alam daw nilang gusto lang ng mga bashers nito na ma-bash ang aktor. Alam nila na kung dumalo si Alden at sinamahan si Kathryn, mas malalang bashing ang nakuha niya. Sasabihin nilang umepal na naman si Alden, hindi hinayaang ma-spotlight mag-isa ang aktres at maaakusahan pa na tuloy ang promo para sa movie nila.
Dagdag pa ng mga fans ni Alden, alam nila ang galawan ng mga bashers ng aktor, kunwari concerned, pero ang totoo, gusto lang itong ipain sa more bashings.
Heto nga at habang nadaragdagan ang box-office gross ng HLA, may mga dumi-discredit na sa partisipasyon niya sa pelikula. Sinasabing kahit sino ang nakatambal ni Kathryn ay susuportahan at magiging box-office pa rin.
Mabuti na lang at malalim ang pundasyon ng friendship nina Kathryn at Alden, ‘yung tipong hindi masisira ng bashing at mga isyung walang basehan, mga isyung gustong sirain ang friendship ng KathDen.
Se-segue sa Canada sina Alden at Kathryn bago bumalik ng bansa for Meet-and-Greet pa rin ng fans doon at magpasalamat sa mga nanood ng HLA. Hopefully, makaabot si Alden sa added taping days ng Pulang Araw (PA) dahil extended ang series ng two weeks at kailangang magdagdag ng taping days. Sa halip na December 13, sa December 27, 2024 na ang finale ng series.
Bukod sa script, ang misis ni the late April Boy Regino na si Madelyn “Madel” Regino mismo ang kinausap ni Kate Yalung para magampanan niya ng mas mahusay ang karakter nito.
Ang role ni Madel ang ginagampanan ni Kate sa Idol: The April Boy Regino Story ng Water Plus Productions ni Marynette Gamboa at nagpasalamat ang aktres na naging open sa kanyang mga tanong si Madel.
“Inaral ko si Madelyn, kung paano s’ya kumilos at magsalita. Tinanong ko rin s’ya kung paano ang relasyon nila ni April Boy at kung sino talaga si April Boy. Kilala ko s’ya bilang sikat na singer, pero hindi ko kilala nang personal at kailangan kong malaman ang mga bagay na nag-contribute sa relasyon nilang mag-asawa,” ani Kate.
May mga eksena sa movie na kinunan mismo sa bahay ng mga Regino sa Marikina City, gaya ng magkasama sila ni John Arcenas sa kama. Nakatulong ‘yun para mas maramdaman nila ang eksena and for sure, satisfied si Direk Efren Reyes Jr. sa kinalabasan.
Dahil mag-asawa ang role nila ni John na gumaganap na April Boy Regino, ang tanong kay Kate ay kung may kissing scene sila?
“Panoorin n’yo na lang, showing na kami sa November 27, in cinemas nationwide,” sagot nito.
Kumustang katrabaho si John?
“Masarap s’yang katrabaho, matagal na kaming magkakilala. Wala na kaming ilangan,” sagot ni Kate. Idinagdag pa nito na pareho silang si Tyrone Escalante ang kanilang manager na isa ring plus factor.
Ano sa mga songs ni April Boy ang favorite niya?
“Umiiyak ang Puso at ‘Di Ko Kayang Tanggapin,” ang sagot ni Kate at humirit pa ng isang line ng ‘Di Ko Kayang Tanggapin.
Magandang lumabas ang pagkakanta ni Kate dahil singer din siya among other things na alam niyang gawin.
SUNUD-SUNOD na birthday greetings para sa eldest nilang si Zia Dantes ang ipinost ni Marian Rivera to greet Zia na 9 years old na kahapon, November 23, 2024.
“Good morning, birthday girl! Happy birthday to my wonderful daughter! I hope your day is filled with all the joy and love you bring to our lives. You deserve the world! Enjoy every moment! We love you so much!”
Sinundan ng “Today, November 23, I welcomed you into the world! I’m so incredibly happy and grateful that you are mine. Thank you, God, for this precious gift!” at “To my precious daughter: Mama is always here standing strong behind you, supporting you every step of the way.”
Sabi naman ni Dingdong Dantes, “Our unica hija turns 9 today. Happy birthday Ate Z! We love you.”
Ang ganda ng ginawa ng mag-ama, inulit ang photo na karga ni Dingdong Dantes si Zia noong baby pa at kinarga niya uli ngayong 9 years old na ito.