ni Nitz Miralles - @Bida | May 9, 2022
Bukod sa kanyang speech sa miting de avance ng Leni-Kiko tandem, nagpaabot ng personal messages si Sharon Cuneta sa ilang politicians na tumatakbo ngayong eleksiyon na malapit sa kanyang puso.
For Bongbong Marcos: “Maybe we don’t have to agree or like what you’ve done or what you have not done, for me to always remember your kindness towards me when I was growing up... I wish you and Liza and your beautiful boys God’s blessings... and we all come together once this is over and just be Filipinos.”
For Sara Duterte: “Inday... nagkakaintindihan tayo. Kahit wala na si Tatay (President Rodrigo Duterte) sa aking buhay ay never kang nawala. Alam ko, kasi hindi ka lang Sharonian, pero mahal kita. Kaya lang, ang bise-presidente ko talaga ay si Kiko.”
For Senate President Tito Sotto na kalaban din ni Sen. Kiko Pangilinan sa pagka-bise-presidente: “To my second father, Senate President Tito Sotto... Daddy, thank you for embracing me when I saw you... thank you for saying ‘I love you’ back... I love you very much Dad, but... I hope it doesn’t divide our family.”
For Helen Gamboa, the wife of Tito Sen: “Mama Helen, the only peace I found in my heart is that, you would have done the exact same thing for dad, if you had been in my shoes. After all, you raised me also and I am so much like you... ‘coz I’m your eldest. I love you very much and I miss you.”
Ngayong araw na ang eleksiyon. Bukas, sisimulan na ng mga pamilyang nahati dahil sa pulitika na muling mabuo ang kanilang samahan.
Natatandaan namin ang minsang sinabi ni Tito Sen na ang eleksiyon ay isang araw lang, ang pamilya ay pang-forever.