top of page
Search

ni Nitz Miralles @Bida | February 20, 2024



Count celebrity couple Matteo Guidicelli and Sarah Geronimo who watched Rivermaya’s reunion concert.


Nakakatuwa si Sarah dahil kahit nakakasama na si Bamboo sa mga collab concert nila at sa The Voice, kinilig pa rin at nag-fangirling nang bumaba sa stage si Bamboo at binati ang concert goers sa puwesto nila ni Matteo.


Sigurado rin na naki-sing-along ang mag-asawa sa Rivermaya at sa libu-libong nanood. Nakisigaw din sila sa crowd nang isigaw ang pangalan ni Bamboo.


Pinansin din ng mga netizens ang kasimplehan nina Sarah at Matteo at pati ng kanilang mga kilos.


Anyway, sina Sarah at Matteo ang naisip ng ilang netizens nang makita ang videos nina Sen. Chiz Escudero at mom ni Heart na si Cecilia Ongpauco na nagkabati na.


Sana raw, sumunod nang magkabati ang parents ni Sarah at si Matteo. Dahil kapag nangyari ito, hindi lang daw sina Sarah at Matteo ang matutuwa, pati ang kanilang mga fans.

 
 

ni Nitz Miralles - @Bida | June 27, 2022



Mamaya sa 24-Oras, ipakikilala na ang mga bagong yaya sa First Lady, sila ang makakasama ng pamilya nina PGA (Gabby Concepcion) at Melody (Sanya Lopez) sa finale week ng top rating rom-com series ng GMA-7.


Pinahulaan ang identity ng tatlong Kapuso actresses at para hindi mahulaan, jumbled ang letters ng kanilang mga pangalan, kaya lang, nabalita nang magge-guest sina Carla Abellana, Rabiya Mateo at Glaiza de Castro. Nabanggit na rin ni Gabby na nagulat na lang siya nang makita ang tatlo sa taping.


Puwede na sigurong sabihin na mga yaya ang role nina Carla, Rabiya at Glaiza sa First Lady. Sila ang sumunod kay Jestoni Alarcon na nag-guest bilang old friend ni Nanay Edna (Sandy Andolong) at nanligaw dito.


Anyway, ang comment kina Carla, Rabiya, at Glaiza ay ang gaganda nilang yaya.


Wala raw bang ibang trabaho sa palasyo na puwede nilang pasukan?

 
 

ni Nitz Miralles - @Bida | June 10, 2022



Mamahalin ng mga bloggers si Senator-elect Robin Padilla dahil ipinagtanggol sila nito sa mga kontra na isama sila sa press briefings sa Malacañang sa papasok na administrasyon ni President-elect Bongbong Marcos.


Nag-react si Robin sa TV interview kay veteran journalist Vergel Santos na kontra sa planong bigyan ng press credentials ang mga bloggers para makapag-cover sa Malacañang. Naniniwala si Mr. Santos na blogging is not journalism.


Kinontra ni Robin ang pahayag ni Santos at pinanindigan na lahat ng tao ay may right to free speech.


“Sir, it’s not about journalism. It’s about freedom of expression. When we start to identify what is superior and inferior, freedom goes straight to the garbage. Read the constitution. It does not say anything about who is educated or not, who has a network or does not have. It is a right that every Filipino should enjoy as long as it doesn’t violate any law or right of someone else.


"Malacañang or any other government institutions are directly owned by the people. As long as there is law and order, everyone should be welcome. Everyone deserves to know the truth."

Samantala, ipinagtanggol ni Senator-elect Chiz Escudero si Robin sa pagkakapili rito bilang chairman sa Committee on Constitutional Amendments.


Sabi ni Chiz, “Sen. Padilla is as qualified as any senator elected to serve as such to chair any committee that the majority decides to elect him.”

 
 
RECOMMENDED
bottom of page