top of page
Search

ni Lolet Abania | May 29, 2022



Nasa tinatayang 31 katao ang nasawi sa nangyaring stampede sa south Nigeria sa isang church charity event kung saan nagpapamahagi ng mga pagkain para sa mga residente ng lugar.


Ayon sa local police spokesperson na si Grace Iringe-Koko, naganap ang insidente sa lungsod ng Port Harcourt sa Rivers state ng Nigeria nitong Sabado, habang kinumpirma niyang 31 indibidwal ang namatay sa stampede.


Sa report ng local Nigerian media, ang event na inorganisa ng King’s Assembly church ay nagbibigay ng mga pagkain at mga regalo sa mga mahihirap sa isang sports field sa lugar.


Matatandaan na ang Nigeria ay nakitaan na ng maraming trahedya ng stampede o pagdaluhong hinggil sa usapin ng pamamahagi ng pagkain sa mga nakalipas na taon, kabilang na rito ang isang aid agency food program na naganap sa north Borno State, kung saan pitong babae ang tinapak-tapakan hanggang sa mamatay dahil sa pag-aagawan na makakuha ng pagkain noong nakaraang taon.



 
 

ni Jasmin Joy Evangelista | November 8, 2021



Umabot na sa 42 ang natagpuang patay habang 15 naman ang survivors sa gumuhong 21-storey building sa Lagos, Nigeria.


Hindi pa natutukoy ang dahilan ng pagguho ngunit karaniwan na ang building collapses sa Africa sapagkat hindi binibigyang-pansin ang construction standards.


"We have a total of 42 bodies that have been recovered," ani Governor Babajide Sanwo-Olu.


Ang high-rise building na matatagpuan sa Ikoyi district na isinasailalim sa construction ay bumigay noong Lunes.


Nitong Biyernes, ibinalita ng mga awtoridad na siyam ang mga survivors.


Ngayong weekend naman, nadagdagan pa ang bilang ng mga survivors matapos makilala ang anim na iba pang nakaligtas sa insidente.


Una nang sinabi ni Sanwo-Olu na hindi nila alam ang eksaktong bilang ng mga nasa loob ng gusali nang maganap ang insidente pero mayroon umanong 49 na pamilya ang nag-report na nawawala ang kanilang kamag-anak.


“DNA examination was being undertaken on some of the bodies difficult to be identified,” ani Sanwo-Olu.


Nagbigay na rin ang kanilang pamahalaan ng tulong para sa pagpapalibing sa mga biktima at nagpaabot ng financial support para sa mga survivors.


Ayon pa sa gobernador, ang insidente ay maituturing na "terrible national disaster," at dagdag niya, "mistakes were made from all angles."


Nag-set up na si Sanwo-Olu ng independent panel upang alamin ang mga posibleng dahilan ng pagguho.


Nagdeklara rin ito ng tatlong araw na pagdadalamhati simula noong Biyernes.

 
 

ni Ronalyn Seminiano Reonico | July 6, 2021



Isandaan at apatnapung estudyante sa boarding school sa northwestern Nigeria ang kinidnap ng mga suspek, ayon sa opisyal ng pamahalaan noong Lunes.


Sinira umano ng mga gunmen ang bakod papuntang Bethel Baptist High School sa Kaduna State noong Lunes nang umaga at dinukot ang 165 estudyante ngunit nakatakas ang iba.


Pahayag ng guro ng naturang paaralan na si Emmanuel Paul, "The kidnappers took away 140 students, only 25 students escaped. We still have no idea where the students were taken."


Kinumpirma naman ni Kaduna State Police Spokesman Mohammed Jalige ang insidente ngunit aniya, hindi pa nila sigurado ang eksaktong bilang ng mga estudyanteng nakuha ng mga kidnappers.


Saad pa ni Jalige, "Tactical police teams went after the kidnappers.


"We are still on the rescue mission."


Ipinag-utos naman ng pamahalaan ng Kaduna ang pansamantalang pagpapasara sa Bethel Baptist at iba pang paaralan malapit sa naturang lugar dahil sa insidente.


Samantala, simula nu'ng Disyembre, 2020, umabot na sa mahigit 1,000 estudyante ang nabiktima ng kidnap for ransom mula sa iba’t ibang paaralan sa Nigeria at ayon sa awtoridad ay 150 pa sa mga ito ang nananatiling nawawala.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page